13) Cassette Tapes

753 60 12
                                    

Kabanata 13 - Cassette Tapes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 13 - Cassette Tapes

Tama nga ang sinabi ng nurse sa akin. Tama rin ang nabasa namin ni Cecil sa library. Isang daang porsyento ay in love ako kay Simeon. Imbes na kaibigan lang dapat ang pagtingin ko sa kaniya ay humigit ito.

Naiintindihan ko na kung bakit maraming nagkakagusto sa kaniya. Bukod sa gwapo ito, ang bait-bait pa niya. Sobrang gentleman at napakamaalaga pa. I mean, sino ang hindi magkakagusto sa isang katulad niya? Ang nakakainis pa. Halos lahat ng katangian ng lalake na hinahanap ko ay tinataglay niya.

Okay lang naman na mahulog ako sa kaniya. Ang kaso kaibigan ko siya.

Ang kaibigan ay kaibigan. Dapat walang pag-ibig na nararamdaman. Nang dahil sa pag-ibig na yan ay maraming nasisirang pagkakaibigan. Lalo na kung hindi naman tumutugma ang nararamdaman.

Halos isang linggo ko nang iniiwasan si Simeon. Hindi ako sumasabay sa kaniya sa pag-uwi. Ang dinadahilan ko ay tutulungan ko si Cecil sa paggawa sa mga projects nito. Mabuti na lamang ay hindi na siya nagtatanong pa.

Hangga't maaari ay umiiwas ako sa kaniya. Kinakausap ko lamang siya kapag kinakailangan. Iniiwasan ko rin na huwag tumingin nang tumingin sa kaniya. Pinipigilan ko ang sarili ko na huwag munang lumapit sa kaniya. Ginagawa ko lamang 'yon dahil ito ang nakikita kong solusyon upang hindi lumala ang nararamdaman ko para sa aking kaibigan.

Ang sabi sa akin ni Cecil ay wala na raw akong kawala sa nararamdaman ko para kay Simeon. Dapat ay enjoyin ko lang daw ang nararamdaman ko dahil mawawala rin naman 'yon. Ayokong enjoyin to! Alam ko na sa huli ay masasaktan ako. Kaya dapat ngayon pa lang ay pigilan ko na itong nararamdaman ko.

Nakahiga ako sa higaan namin ni Ate Monette habang tinititigan ang mga poster ni Aga Muhlach na nakadikit sa dingding ng kwarto namin. Sabi ko sa sarili ko bago umuwi galing eskwelahan ay iidlip ako saglit. Ilang araw na kasi akong walang matinong tulog dahil sa kakaisip kay Simeon. Sa tuwing ipipikit ko naman ang mga mata ko ay nakikita ko ang maamo niyang mukha at napapatayo ako sa pagkakahiga. Gustong gusto ko siyang puntahan para masilayan siya lalo na namimiss ko ang mga ngiti niya. Putek talaga!

"Maruha?" napalingon ako sa pintuan ng kwarto namin. Tumambad si Teresa at para siyang napipikon sa akin. "Huwag mong sabihin na masakit na naman ang ulo mo? Ilang araw ka ng hindi nagpupunta sa tambayan. Iniiwasan mo ba kami? May ginawa ba kaming masama ha? May ginawa ba sayo si Simeon na hindi maganda? Magsabi ka nga! Hindi 'yong iniiwasan mo kami!" ratrat niya sa akin.

Nakaramdam tuloy ako ng konsensya. Iniisip tuloy nila na may ginawa silang hindi maganda. Dahil sa putek na nararamdaman ko, hindi ko napapansin na naapektuhan sina Gil at Teresa lalong lalo na si Simeon. Iniisip pa ni Simeon na may ginawa siyang masama sa akin.

"Pasensya na. Masakit lang talaga ang ulo ko" palusot ko. "Hintayin niyo ko sa tambayan. Magbibihis lang ako" ani ko kay Teresa na biglang nagliwanag ang kaniyang mukha.

UGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon