10) Nougat

901 77 24
                                    

Kabanata 10 - Nougat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 10 - Nougat

[Maruha]

Nag-uumpisa na kaming mag-practice para sa dulaang gagawin para sa Filipino. Kaunti lamang ang linyang napunta sa akin pero sobra talaga akong nahihirapan. Ang scene kasi na napunta sa akin ay kung saan naglalakad ako kunwari sa gitna ng kalsada habang hinahanap sina Crispin at Basilio. Kailangan din ay mukha akong kawawa, nababaliw, at may emosyon kapag bagbibitaw ng mga linya.

Sa tuwing pina-practice ko sa harapan ang linya ko ay napapagalitan ako ng lider namin dahil wala raw emosyon at ang panget ko raw umarte. Nasaktan pa ko sa sinabi niya na baka ako pa raw ang maging dahilan ng pagkatalo namin. Ginawa ko na lahat ng makakaya ko ngunit kulang pa rin. Gusto ko na sanang sumuko kaso ayoko rin namang bumagsak.

Mag-isa akong nakaupo sa sulok ng classroom namin nang maramdaman kong tumabi si Simeon sa tabi ko. "Pampawala ng stress" inabot niya sa akin ang Nougat na candy. Ayoko sanang kainin ang Nougat kaso hinihintay ni Simeon na kainin ko ito.

Sa lahat ng candy, ang Nougat ang pinakaayaw ko dahil sa madikit ito sa ngipin at sobrang kunat nitong kainin. Dahil sa Nougat ay nasira ang dalawa kong bagang noong elementary. May iba na gustong-gusto ang candy na 'to dahil sa lasang milk sugar at mga mani. Matagal din itong maubos. Akala ko ay mawawala ang stress ko kapag kinain ko ang Nougat pero mas lalo pa akong na-stress dahil sumakit ang ngipin at panga ko sa pagnguya.

"Bakit kasi ang mahirap na role pa ang napunta sa akin?" tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ang mga kaklase ko na nagagawa nila ng tama ang role nila. "Feeling ko ang hina at ang bobo ko"

"Huwag na huwag mong sasabihin 'yan!" kontra ni Simeon at parang may inis sa tono ng boses niya. "Ika nga nila, Hindi ka bibigyan ng pagsubok ng Panginoon kung alam Niyang hindi mo kaya. Naniniwala rin ako na may dahilan kung bakit sayo ibinigay ang character ni Sisa. Siguro para may matutunan ka at baka kailangang may mapatunayan ka. Sa totoo lang, ikaw lang ang nakikita kong may kakayahan na magdala ng character na 'yan. Naniniwala ako na kaya mo. Kaya mo 'yan, Maruha!"

Hindi ko namamalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Dapat naniniwala ako sa sarili ko na kaya ko lalong lalo na may isang tao nagtitiwala sa kakayahan ko. Sobrang nakakagaan talaga sa pakiramdam sa tuwing nagsasalita si Simeon. Napatigil ako nang punasan niya ang luha ko sa pisngi. Ito na naman ang abnormal kong puso at mga bulate sa aking tiyan.

"Ayieeee!" napatingin kami ni Simeon kay Francis na kanina pa pala kaming pinagmamasdan. "Si Maruya pumapag-ibig!" asar pa niya.

"Maruha, hindi Maruya!" sigaw ko sa kaniya pero tumakbo siya papalayo sa amin.

"Maruya! Simeon!" tawag sa amin ni Francis. Ipinakita niya sa amin ang kaniyang dalawang kamay na parang nagki-kiss. Ramdam kong umiinit ang magkabila kong pisngi. Hinabol ko ito dahil sumusobra na talaga siya!

#

Naisipan naming apat na maglakad pauwi upang mabawasan ang mga stress namin. Ngayon na lang din ulit kaming nagkasabay sa pag-uwi na kumpleto. Habang naglalakad ay kinakain namin ang mga binili naming tinapay sa Dimas-Alang. Sikat itong bakery sa Barangay Kapasigan.

UGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon