2) Apat Dapat

4.7K 151 39
                                    

Kabanata 2 - Apat Dapat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 2 - Apat Dapat

[Maruha]

Tama nga ang hinala ko na magagalit sa akin sina Teresa at Gil nang ikuwento ko sa kanila na naloko ako kahapon sa tapat ng Pasig City Museum. Nasa tambayan kami at maraming water lilies ang nakakalat sa buong ilog ng Pasig. Hindi ko talaga kayang magtago ng sekreto sa kanila. Halos lahat ng mga nangyayari sa akin, maganda man o hindi ay ikinukwento ko sa kanilang dalawa.

"Nahihibang ka na talaga, Maruha!" may inis sa tono ni Gil. Hindi kasi nito akalain na mauuto na naman ulit ako nang dahil kay Aga Muhlach. Hanggang ngayon pa raw kasi ay hindi pa rin daw ako natututo sa mga kamalian.

"Eh, kasi naman! Gusto ko lang namang makita si Aga Muhlach. Gusto ko siyang yayaing magpakasal."

"Ang tanong gusto ka ba niyang pakasalan?" nasaktan ako sa sinabi ni Gil ngunit hindi ko magawang magalit sa kaniya dahil may punto naman siya.

Sa tuwing sumasagi sa isip ko na balang araw ay sa ibang babae magpapakasal si Aga Muhlach ko ay talagang nawawarak ang puso ko sa dalawa. Kapag nangyari iyon ay hindi ko talaga kakayanin at mas pipiliin ko na lamang ang mamatay. Kaya naman, gagawin ko talaga ang lahat para mapalapit lamang ako kay Aga Muhlach.

"Bawasan mo nga ang pagiging delulu mo!" sermon sa akin ni Teresa. Tumahimik na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Bubungangaan pa sana ako ng dalawang tukmol nang may natanaw akong lalaking na nakatayo sa tabi ng ilog ng Pasig. Agad kong itinuro ang lalaki upang makaiwas ako sa mga sermon nila.

"Sino 'yon?" tanong ko kina Gil at Teresa. Sinundan naman ng tingin ng dalawa ang tinuturo ko.

Hindi pamilyar sa amin ang lalaki at kahit na malayo ito sa amin ay alam namin na baguhan lamang ito sa Barangay Bambang. Nakapamulsa ang lalaki habang tahimik na pinagmamasdan ang ilog ng Pasig. May dinampot itong bato at ibinato ito sa ilog. Namangha pa kaming tatlo dahil limang beses tumalbog ang hinagis nitong bato. Matagal na kaming nakatira sa tabi ng ilog ngunit hanggang ngayon ay hindi namin kayang patalbogin ng matagal ang bato sa ilog.

"Baka siya yung tinutukoy ni Lola Linda na pamangkin ng bagong nakatira sa haunted house" pabulong na saad ni Teresa sa amin.

"Tara, kaibiganin natin!" yaya ni Gil na agad ko namang kinontra.

"Bakit ba ayaw mo?" naiiritang tanong sa akin ni Gil. Si Teresa naman ay seryosong nakatingin sa akin habang hinihintay ang isasagot ko.

"Basta ayoko!" matipid na sagot ko sa kanila. Ayaw kong sabihin sa kanila ang tunay na dahilan dahil baka isipin ng mga ito na ang babaw ng rason ko. Ang hirap pa namang makipagtalo sa dalawang tukmol na to.

"Hoy!" sigaw ni Gil sa lalake. Napanganga kami ni Teresa dahil sa ginawa ni Gil. Sigawan ba naman ang lalake? Pwede naman niyang lapitan ito at kausapin ng maayos. Sinabihan pa kami ni Gil na huwag daw kaming mag-alala ni Teresa. Gusto niya lamang daw subukin ang lalake kung karapat-dapat ba itong makasali sa barkada.

UGMATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon