EPISODE 06

10 3 0
                                    

"Tanya Sandoval Case"

ANG NAKARAAN...
Nakilala ni Rex si Tanya at mukhang may bagong matutulungan ang ating bida.
Samantala, naka harap ni Mycka si Jean. At magkapareho sila ni Rex na nanaginip tungkol sa Sta. Helena.

"Nanaginip ka din tungkol sa Sta.Helena ate?"

SA PAGPAPATULOY...

Sa Nurse Station..
Inabutan ni Myda si Mycka na natutulog sa mesa.
Agad nilapitan nya ang kaibigan upang gisingin.

"Ate Miks?" Tapik nya sa likud ng babae.
Ilang sandali pa ay nagising na si Mycka at pupungas-pungas pa ito. Sabay tingin sa kanyang maliit na salamin sa Tabi ng kanyang Tumbler.

"Oh, Myda Ikaw pala? Kanina kapa ba?" Tanong nya.

"Hindi bago lang, anyare Sayo? Bat parang pagud na pagud ka?" Tanong ni Myda sa kaibigan.

"Hay naku! May pinuntahan lang kami kagabi kasama si Rex at Danny. Teka Lunch na pala." Sabi ni Mycka sabay tingin sa kanyang orasan.

Ilang sandali pa ay dumating naman si Christine dala-dala ang isang bouquet ng bulaklak.

"Mycka, pinabibigay ni Doc Santiago sayo. Hindi ko sana tatanggapin. Eh Hindi nako naka ayaw." Sabi ni Christine sabay lapag sa harapan ni Mycka.

"Ano pala ginagawa mo doon sa Kabilang building Tine?" Tanong ni Mycka.

"Binisita ko yung husband ko. Eh tyempo namang nagkasalubong kami ni Doc Santiago." Wika ni Christine at umupo ito katabi ni Myda.

"Parang may something kayo ni Doc Santiago ate?" Sambit ni Myda at sabay tingin kay Mycka.
Tumitig din si Christine sakanya. Para bang kinakausap sya ng mga mata ng dalawa nyang kaibigan na mag kwento.

"Ang totoo nyan, ex ko si Rene. I mean Doc Santiago. Mabuti pa samahan ninyo ako at doon ko sa Cafeteria ekukuwento lahat." Sabi ni Mycka sabay tayo.

Samantala sa Opisina kung saan nagtatrabaho si Rex.

"Girl pinapatawag ka ni Mr. San Buena." Sabi ni Mercedes. Sabay turo kung saan nakatayo si Gelo.

"Mukhang bad trip yata?" Bulong ni Mercedes.

"Sige salamat Mercedes." Sabi ni Rex. Bago paman ito lumapit sa amo ay bumuntong hininga muna ito.

Ngunit bago paman ito makalapit ay may biglang humawak sakanyang kamay.
Nabigla sya dahil sobrang lamig kamay ang humawak. Nang dahan-dahan nyang tingnan kung kaninong kamay ang humawak sakanya.

Napasigaw si Rex nang Makita nya ang duguang mukha ni Tanya.

"Tulungan mo ko please. Ikaw lang ang nakakakita sakin. "

Dahil sa sigaw agad nilapitan ni Gelo si Rex at tinanong kung anong nangyari. Maging si Mercedes ay lumapit na din upang Tulungan ang kaibigan.

"Rex anong nangyari?" Tanong ni Gelo sakanya nang biglang nawalan ng Malay si Rex mabuti nalang at nasalo ito ng lalaki.

DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)Where stories live. Discover now