"Ang Pagbabalik ko sa Santa Helena"
Habang pauwi ako sa Bahay, agad kung tinawagan si Ate Mycka upang magpa sundo sana. Pero iba ang dumating.
"Gelo, anong ginagawa mo dito?"
Dahan-dahan syang humakbang papunta saakin pero pinigilan ko sya.
"Wag Kang lalapit, alam ko na ang lahat. Nagsakripisyo ang Tiya Eloida dahil sa kakagawan mo. " Sabi ko sakanya.
Agad naman syang umatras.
"I want to say sorry, Kaya nga sinundan kita dito. I want to explain everything. Nasa spell ako ni Senior Ronnel." Paliwanag nya.
"Umalis ka na bago ka pa maabutan ni Ate Mycka." Sabi ko sakanya.
"Alam ko kung nasaan ang condé, Ang iyong ama. Dahil ako ang tumulong sakanya noong sumalakay ang mga tauhan ni Senior sa inyung Mansyon. Nag balik ako sa aking kamalayan pagkatapos mong mawalan nang hininga. " Sabi ni Gelo saakin, Hindi ko namalayan na dumating na si Ate Mycka kasama sina Princess at Rea.
"Layuan mo ang anak ng Condé, taksil!" Sigaw ni Princess at isang malakas na kidlat ang muntik nang tumama kay Gelo, mabuti na lamang ay nakaiwas ito.
Agad naman akong hinawakan Nina Rea at Ate Mycka .
"Tayo na Rea." Sambit ni Ate Mycka Kay Rea.
At tinawag naman ni Rea si Princess upang makaalis na kami."Safe bang gumamit ng mahika dito?" Tanong ni Rea.
Lumingon lingon si Princess at Ate Mycka. Siniguradong walang taong Makakakita sa gagawin ni Rea."Wala akong nararamdamang ibang tao dito." Sabi ni Princess at agad namang ikinumpas ni Rea ang kanyang kamay at sa isang kisapmata ay naglaho kami.
Nang makarating kami sa bahay ay sinabi ko kay ate Mycka ang tungkol sa sinabi ni Gelo saakin.
"Rex maaring nag sisinungaling lang ang lalaking iyon. " Sabi ni Ate Mycka.
"Tama si Mycka, alam kung buhay ang condé ngunit hindi ako sigurado kung nasaan sya Santa Helena nag tatago." Sabi ni Princess.
"Tama, sinubukan na naming hanapin ang condé ngunit kahit anong mahikang gamitin namin. Wala din nangyayari, baka patibong lang yan ni Anghelo. " Sabi ni Rea habang umiinom ng isang tasang tsaa.
"Eh di hanapin natin ? Handa nako. Nakapasa nako sa pagsubok ni Ate Myan at ni Kuya Jacinto. Kaya ko na!" Sabi ko sakanila ng biglang mag isang mahulong ang figurine na anghel.
Umiihip ang malamig na hangin at sa likuran ni Ate Mycka, nakita ko ang kaluluwa ni Danny.
"Masyadong delikado ate, hawak ni Senior Ronnel ang buong Santa Helena. Nag tungo ako ng Santa Helena, Tama si Kuya Gelo, hawak nya Ang condé at ligtas naman ang iyong ama." Sabi ni Danny.
YOU ARE READING
DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)
Детектив / ТриллерThis a story of Rex who always dreamed every night about the mysterious guy. The guy always called her Rexxy. And a lot of Questions running on her mind. Until, One day she decided to investigate. Then Find the answers about the true identity of R...