EPISODE 09

6 3 0
                                    

"ANG PAGHAHANAP"

Ligtas na nakarating si Rex sa nasabing Mansyon kung saan magiging ligtas sya.
Agad syang sinalubong ng isang babaeng naka-kimono kasama ng babaeng kulay ginto ang buhok.

"Maligayang pagbabalik sa Santa Helena Rexxy!" Bati ng babaeng naka kimono.

Tumingin si Rex sa kanyang likuran upang siguraduhing walang naka sunod sakanya. Ngunit pinawi naman ng babaeng naka kimono ang kanyang pag-aalala.

"Hindi ka na nila masusundan dito Rexxy, nasa ligtas kang lugar." Sambit ng babaeng naka-kimono.
Iniabot ng babae ang kanyang mga kamay Kay Rex at nagpakilala Ito sakanya.

"Ako ng Pala si Rea at ito ang aking kapatid na si Princess. Halika mukhang napapagud ka. Mabuti pang magpahinga ka muna." Sambit ng babae.

Ngumiti lang si Rex at nag tanong sa dalawang babae.

"Bakit nakahiwalay si Miss Renalyn sainyong dalawa?" Wika ni Rex sa dalawa.
Nagkatinginan ang dalawang babae at sinagot ni Princess ang tanong ni Rex.

"Pinadala namin si Ate Renalyn doon upang bantayan ang kilos ng Senior Ronnel. Alam kung pagud ka sa iyong paglalakbay. May inihanda kami ng kapatid ko, isang tsaa na makakapag bigay Sayo ng pagkapawi ng iyong pagud. " Sambit ni Princess. Ngumiti lang si Rex bilang ganti sa dalawa, alam din nya sa kanyang sarili na pagud na pagud sya sa sobrang haba ng lakaran.

Samantala sa Kasalukuyan..
Nag balik sila May Ann at Doc Santos.
Agad silang sinalubong ni Mycka at Danny.

"Nasaan si Ate Rex?" Tanong ni Danny.

"Nasaan ang kapatid ko?" Dagdag ni Mycka na nag-aalala sa kapatid.

Nagkatinginan ang dalawa bago sumagot.

"Hindi paba nakakauwi si Rexxy dito? " Tanong ni May Ann.

"Sabi ni Senior Ronnel, nakatakas si Rexxy. Hindi paba sya nakakabalik dito?" Dagdag ni Doc Santos.

Dumating naman sina Christine at Myda.

"Walang alam si Rex sa mga salamangka o anong chuchu yan. Hindi Basta Basta nakakatawid sila Mycka mula sa bagong panahon papunta sa nakaraan. Kelangan ng isa sa atin upang maka tawid papunta at pabalik. " Sabi ni Christine habang hawak ang isang tasang kape.

"Kung ganun Ben? Nasa Santa Helena pa din si Rexxy?" Wika ni May Ann habang naka tingin kay Doc Santos.

"Kelangan nating bumalik doon upang hanapin si Rexxy. At sana nasa mabuting kalagayan sya. " Dagdag naman ni Doc Santos.

"Mabuti pa kami nalang ni Myda ang magtutungo sa Santa Helena. May alam akong lagusan para Hindi Tayo Makita ni Senior Ronnel. " Sabi ni Christine.

DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)Where stories live. Discover now