EPISODE 12

5 3 1
                                    

"Ang Panaginip"

Bumaha ng luha ang buong Bahay dahil sa pagkamatay ni Danny.

"Tita.." Wika ni Rex nang akma nyang yakapin ang kanyang step mother. Imbes na yakapin din sya ay sinalubong ito ng malutong sampal na ikinagulat naman nina Doc Santos, kasama sina Myan, Myda at Princess.

"Kung hindi dahil Sayo, at dahil Dyan sa ka-wierdohan mo. Hindi sana namatay ang anak ko." Umiiyak na sambit ng Ina ni Danny.
Akmang sasapalin na sana si Rex sa pangalawang pagkakataon. Agad nang tumayo si Mycka at inaawat ang kanilang step mother, sinalo nya ang kamay ng kanilang step mother at saka nag wika.

"Excuse me? Wala si Rex sa lugar kung saan namatay ang kapatid namin. Isa pa Eloida, mawalang galang na! Ikaw lang ang Hindi kami tanggap sa pamilyang ito. Minahal namin si Danny bilang kapatid namin. Kaya wag mo kaming susumbatan at sisihin sa nangyari sa kanya."

"Ate Tama na. She's right, dahil sa pagiging wierd ko.~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Rex nang dumating ang kanilang ama.

"What's this Rex, Mycka at Eloida? Bakit kayo gumagawa ng eskandalo sa burol ng anak ko at kapatid nyo?" Tanong ng ama nila.

Magsasalita na sana si Mycka ngunit pinigilan lang sya ni Rex.

"Nothing po papa. Aakyat nako sa itaas" Sabi ni Rex at mabilis itong Umakyat sa hagdan. na sinundan naman ni Mycka.

Naiwan sa burol sina Doc Santos, Nurse Myda, Princess at Myan.

"Grabe naman ang babaeng yan. Hindi naman kasalanan ni Rexy. Kasalanan ng alagad ni Senior Ronnel." Sambit ni Myda.

"Wag nalang kayong magsasalita para Hindi kayo masama sa gulo. Magbigay Tayo ng respeto sa kapatid mo sa nakaraang buhay. " Sabi ni Doc Santos.

"Tama si Jacinto, iwasan nyong makagawa ng eksena sa mga tao." Dagdag ni Myan sa kanila. Tumango lang sila at muling nag tanong si Myda.

"Muli bang maire-reincarnate si Danny?" Tanong nya.

"Hindi natin alam, tandaan nyo ilang taon Tayo nag antay bago natin maramdaman ang magkapatid. Sa Ngayon hanggang buhay pa sina Mycka at Rexy. Kelangan natin silang tulungan na maintindihan ang lahat at ihanda sila sa pagbabago." Sabi ni Princess.

Samantala sa Sta Helena..

"Senior patay na ang Isa sa kapatid ng itinakda." Nakangiting Sabi ni Hanna.

"Magaling, Hindi na tayo mahihirapan pang lumpuhin ang itinakda. Pero mag iingat kayo, ang mga tauhan ni General Caballero at Jacinto. Nakapaligid sa kanila. Mahihirapan pa din Tayo. Pero magaling pa din." Nakangiting Sabi ni Senior Ronnel.

"Nasaan ang polpol na aso?" Saway ni Hanna.

Lumabas naman sa kanyang likuran ang isang malaking lobo na kulay itim.

"Nariyan kana pala? Nakakahiya sayo, tinuring ka panamang alpha ng mga kalahi mo. Ngunit trabaho ba ng alpha ang magtago dito sa Santa Helena? Kung gayung nagbukas na ang lagusan." Saway ni Hanna habang nakataas ang kilay.

DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)Where stories live. Discover now