"1960-1980"
Sa Santa Helena Taong 1960 hanggang 1980..
Matagal ko nang kilala si Gelo, Mula pagkabata pa ay palagi ko na syang kasama.
Ang paborito naming tambayan ay sa may ilog. Kung saan noong mga bata pa kami ay nanghuhuli kami ng isda at naliligo. Ngunit, hadlang ang mga magulang ko saaking pagkakaibigan kay Gelo. Di hamak na anak lamang sya ng isa sa mga trabahante ng papa.Hanggang sa napagdesisyunan ng kanyang mga magulang na umalis sa Santa Helena at magtungo ng maynila.
Mahigit labing walong taon na din ang nakakaraan noong lisanin ni Gelo ang Santa Helena. Balita ko sa mga guardiya sibil ng papa. Ay muling magbabalik sina Gelo dito sa Santa Helena. At Lubos ko iyong ikinatuwa. Ngayon ay nasa harapan ako ng aking salamin. At inaayus ng aking kapatid ang aking buhok.
"Ate Lourdes maganda na ba ako?" Tanong ko saaking kapatid habang nakangiti din itong nakatingin saakin.
"Oo Rexy, napakaganda mo. I'm sure, mabibighani silang lahat saiyong itsura." Sagot ng aking kapatid.
Hindi nag tagal ay kinatok na kami ng aking ama upang ipakilala sa mga bisita nya.
"Lalabas na ho kami." Sagot ni Ate Lourdes.
Pagkatapos ng ilang Segundo ay nakatingin saakin si Ate Lourdes."Bakit ate?" Tanong ko sakanya
"Papano kung malalaman ng papa na matagal na kayong nag susulatan ni Gelo. At naging mag nobyo't nobya na kayo. Sigurado kabang magpapakita si Gelo? Upang hingin ang pagsang-ayon ng papa?" Pag alaalang sambit ni ate Lourdes saakin.
Hinawakan ko naman sa balikat si Ate Lourdes at pinakalma. Saka muli ako nag salita.
"Ate, relax ka lang. Malakas ang kutob ko na tanggapin na sya ng papa Ngayon." Sagot ko.
Samantala sa Labas ng gate ng mansion ay dumating naman sina Cristine, Myda, Princess at Rea.
"Excited nakong makita ang anak ng Condé." Sambit ni Cristine.
"Balita ko, ngayong Gabi daw ang pamamanhikan ni Gelo." Sabi ni Princess.
Nagsalita ng Salitang hapon si Rea ngunit Hindi ito maintindihan ng kanyang mga kasama. At napilitan itong magsalita ng Tagalog.
"Hindi ka namin maintindihan.." Sabi ni Myda.
"Ang ibig kung sabihin, delikado. Kasi ang senior Ronnel ay Malaya na. Nakatakas noong isang araw pa." Sabi ni Rea.
"Lagot! Papano yan?" Pagaalalang sambit ni Myda.
Hindi naman nila namalayan na dumating na pala sina Heneral Caballero at Ang kapatid na lalaki ni Rexy na si Jacinto.
YOU ARE READING
DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)
Mystery / ThrillerThis a story of Rex who always dreamed every night about the mysterious guy. The guy always called her Rexxy. And a lot of Questions running on her mind. Until, One day she decided to investigate. Then Find the answers about the true identity of R...