"Finale Part 1"
Sa pagpapatuloy....
"Yung Holy water?" Sambit ni Rex.
"Anong Plano mo?" Tanong ni Gelo at inabot sa dalaga ang isang boteng holy water.
"Myda nakakuha kaba nang syringe sa Ospital?" Tanong nya sa babae.
"Oo heto." Sagot ng babae at inabot ito sakanya.
"Hindi Basta Basta matatablan ang Senior sa Holy water, Kung may plano kang itusok yang holy water sakanya. Mukhang mahihirapan tayo, Isa pa Hindi ko pa kayang gumawa nang spell." Sabi ni Mycka sa kapatid.
"Ate ako nang bahala." Ngiting sabi ni Rex sakanyang kapatid at agad nyang nilagyan ng holy water ang syringe.
"Rexy, Hindi kami papayag ng Kuya Ben mo na Ikaw lang mag isang sasalakay sa Mansyon." Sabi ni Myan.
"Don't worry ate, kelangan ko nang tulong ninyo. " Sabi ni Rex at itinago nya sakanyang sling bag Ang mga syringe na may holy water.
Mula sa malayo tanaw na nila si Renalyn na paparating.
Isang malaking ibon ang paparating sakanila at dahan dahan itong bumaba, kasabay nang pagbaba ng ibon ay nagbalik ito sa kanyang totoong anyo.
"Kinausap ko na ang mga kasamahan ko na ang katapatan ay nasaiyong ama pa din. Handa na silang sumugod." Sabi ni Renalyn.
"Nakahanda na din sina Princess at Rea sa paligid ng Mansyon." Sabi ni Myda.
"Kung ganun tapusin na Ang dapat tapusin.." Sabi ni Rex at kinuha nya ang salamangka libro ni Mycka. binuklat ang mga pahina at doon nag usal nang kakaibang salita na sa isang iglap ay naglaho silang lahat. Sa isang kisapmata nila ay nasa harapan na sila ng Mansyon. At kasalukuyang nakikipaglaban ang mga mga taong lobo na nasa pack ni Doc Santos.
Habang sina Rea at Princess naman ay inutusan Nila ang mga Puno na gumawa nang isang harang sa palibot nang Mansyon.
"Ngayon pumasok kana sa loob, kami na ang bahala dito." Sabi ni Mycka at binuklat ang mga pahina nang kanyang libro.
"Sandali Mycka, kaya mo nabang mag cast ng spell?" Tanong ni Myan.
"Bahala na kelangan nating ecover up si Rexy upang makapasok sa Mansyon." Sabi ni Mycka.
"Kuha ko, asahan mo kami." Sabi ni Myan at sa isang kumpas nya nang kanyang kamay ay tumitilapon Ang mga kalabang lumalapit sakanya.
Tumango si Rexy at mabilis itong tumakbo papasok nang Mansyon. Ngunit bago pa ito pumasok ay tinusok nya nang syringe ang kanyang paa.
Sinalubong naman sya ni Renalyn sa loob nang Mansyon.
"Sa likod mo lang ako Rexy, wag Kang mag aalala." Sabi nya.
Habang dahan dahan silang nagtungo kung saan nakakulong Ang kanyang ama, Ang condé.
"Anong gina-gawa mo dito.? " Tanong ng condé.
YOU ARE READING
DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)
Mystery / ThrillerThis a story of Rex who always dreamed every night about the mysterious guy. The guy always called her Rexxy. And a lot of Questions running on her mind. Until, One day she decided to investigate. Then Find the answers about the true identity of R...