"Senior Ronnel"
Ronnel's P.O.V.Bata palang ako noong nalaman ko ang tungkol sa katauhan ng mga Morales. Naging taga silbi ako ng pamilya. Hanggang sa ginawa akong abay ng Condé.
Lumaki akong walang magulang at tanging Ina at ama ng condé ang kinalakhan at kinikilalang magulang.
Hanggang sa nalaman ko ang katotohanan tungkol saaking mga magulang.Isang Gabi, malalim na ang pagtulog ng Condé nagpasya akong magtungo ng banyo. Bago ako makarating sa banyo ay dadaanan ko muna ang silid ng mag asawa.
"Papano kung malaman nya ang katotohanan tungkol sa kanyang mga magulang? Natatakot ako Ignacio." Sabi ng babae.
"Josepina, pinalaki natin si Ronnel bilang isang mabuting tao." Sabi ng lalaki.
"Hindi na sana natin pinaslang sina Sioning, matalik kung kaibigan si Sioning. Hindi sya masamang Lobo. Kababata ko sya, kaya kilala ko si Sioning." Umiiyak na sabi ng babae.
"Kinakailangan dahil yan ang utos ng konseho." Sambit ng lalaki. Hindi ko na tinuloy ang pakikinig sakanila dahil may nakita akong isang babae at ito din ang babaeng palaging nasa panaginip ko.
Nang sundan ko ang babae palabas ng Mansyon. Dito ko nakilala ang Ina ni Hanna.
"Ikaw anak ni Sioning, isang magiting at magaling na Lobo at mangkukulam nanalatay saiyong mga ugat Ang dugo ng pagiging mandarag! " Sabi ng babae.
"Mandarag?" Tanong ko sakanya.
"Ang mandarag, isang nilalang na may pinahalong dugo ng Lobo at Mangkukulam. Isa Kang tagapagmana sa iyong pamilya" Sabi ng babae.
"Sino kaba?" Tanong ko sakanya. Ngumiti lang ito bago nag salita.
"Ako si Allysa, kapatid ko si Sioning ang iyong Ina. Pinatay sya ng mga kinikilala mong Ina at ama.
Dahil naiingit sila sa kapangyarihan natin. Kaya Ikaw, ipaghigante mo ang lahi natin." Sabi ng babae at hinawakan ako sa aking Ulo. Kasabay noon ay nakaramdam ako ng kakaibang galit na humantong sa pagpaslang ko sa mga ama at ina ng condé."Hindi ito mababayaran ng sorry mo, you must pay for killing them. Hindi ko alam kung bakit ganun ka kagalit sa mga magulang natin. They never treated you as someone else. We treated you fair." Sabi ng condé.
Susubukan ko sanang magpaliwanag ngunit sarado ang isipan nya sa mga oras nayun.
Inilagay nila ako sa bartolina at doon ikinulong ng ilang taon. Ngunit hindi nila alam sinasanay ko na din Ang aking sarili sa pag gamit ng salamangka sa tulong ni Alyssa.
Hanggang sa pinakawalan ako ng condé, hinayaan nya akong mamuhay mag Isa. Ngunit isang maling pagkakamali ang kanilang ginawa. Dahil dun nagsikap akong maging mayaman at kumuha ng mga tauhan upang sakupin ang Mansyon ng mga Morales.
YOU ARE READING
DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)
Mystery / ThrillerThis a story of Rex who always dreamed every night about the mysterious guy. The guy always called her Rexxy. And a lot of Questions running on her mind. Until, One day she decided to investigate. Then Find the answers about the true identity of R...