EPISODE 16

6 3 0
                                    

"Imortalidad"

Ang nakaraan...
Habang papunta na sila sa Mansyon, hinarangan naman sila nina Jolino at Hanna.

"Kamusta kayo?" Tanong ng dalawa kina Rex. Agad namang sumagot si Rex ng..

Sa pagpapatuloy....

"Hindi mabuti dahil nakaharang mga mukha nyo sa daan. May Utang pa kayong buhay saakin." Sabi ni Rex.

Tinitigan ni Hanna at Jolino ang mga kasama ni Rex at laking gulat nya nang makita nya si Renalyn.

"Ang punong dama ng Mansyon, sabi ko na nga ba. Isa Kang taksil sa amo natin.!" Sabi ni Hanna habang inaamoy amoy ang buhok ni Renalyn.

"Pero, anong ginagawa nyo dito? Hinahanap nyo ba si Senior Ronnel? " Tanong ni Jolino.

"Well, kakapaslang lang nya." Tawang Sabi ni Hanna.

Napataas ang kilay ni Rex at Mycka nang narinig nila iyon.

"Sinong pumaslang sakanya?" Tanong ni Princess.

Biglang liningun ni Hanna si Renalyn at nag wika.

"Tama ka Renalyn, ang naramdaman ninyo kanina ang kapangyarihan ng Doña Calista. At siya ang pumaslang sa kanyang kapatid na si Senior Ronnel." Sabay palakpak.

"Pwde ba, umalis na kayo Ate at Kuya! Hindi ang senior ang kelangan namin o si Calista!" Sabi ni Gelo.

Napalingun naman silang lahat nang wikain iyon ng binata.

"Ate at Kuya? Kapatid mo sila?" Tanong ni Rex.

Tumango lang si Gelo habang nakayuko.

"You fail again,  you are giving me reason not to trust you Gelo! " Sabay tulak ni Rex sa binata.

Napangiti naman Sina Hanna at Jolino.

"Sorry, Hindi ko~" Hindi na natapos ang sasabihin ni Gelo nang magwika muli si Rex.

"No! At this, ayuko nang maniwala! Andami mong nililihim saakin. Now, puntahan natin ang pakay natin dito. Wala na akong paki sa Santa Helena nayan." Galit na Sabi ni Rex.

"Ay sandali, pinapapunta ka ni Doña Calista sa Mansyon. " Sabi ni Hanna. Sabay hawak kay Rex. Mabilis namang ikinumpas ni Hanna ang kanyang kamay at agad silang naglaho.

Naiwan naman Sina Rea, Princess, Gelo, Renalyn at Mycka. Kaharap nila si Jolino.

"Hindi kayo invited, so dito lang kayo.!" Sabi nya.

Samantala, sa Mansyon..

Biglang sumulpot si Hanna sa harapan ni Doña Calista kasama si Rex.

"Kasama ko na po sya Doña." Sabi ni Hanna.

"Magaling!" Ngiting Sabi ni Calista.

"Wag kayong mag-aalala Doña, nasa hipnotismo ang babaeng ito. Hindi nya magagawang makagalaw hanggat hindi ko syang pinapakawalan sa hipnotismo. " Sabi ni Hanna.

DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)Where stories live. Discover now