EPISODE 11

8 3 0
                                    

"Danny's Death Crossover with Cristine as Inspector Red "

"Ate Miks, nasa school naba si Danny?" Tanong ni Rex sakanyang kapatid.

"Oo, halika na at mag almusal kana. Sya nga pala kamusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Mycka sa kanyang kapatid.

"Ayus lang ako ate, pero Hindi pa din ako makapaniwala na nangyari yun lahat." Sabi ni Rex at umupo na ito sa harapan ng lamesa upang makakain na.

"Kahit na ako, importante nandito kana. Mag iingat ka. Binabantayan ka naman ni Myan." Sabi ni Mycka.

"Pero ate, papano ka? Kayo ni Danny? Nanganganib kayo." Sambit ni Rex.

"Hindi kami ang punterya ni Senior. Kundi Ikaw. Teka papasok kana ba?" Tanong ni Mycka.

"Oo, kelangan ko nang pumasok. Ilang araw na din ako Hindi nakakapag sulat. Wag Kang mag aalala ate. Babantayan naman ako ni Mercedes." Sabi ni Rex.

"Basta mag iingat ka. Alam mo na kung papano sila tatawagan." Sabi ni Mycka.

Tumango lang si Rex at tsaka nagsimulang kumain.

Samantala sa loob ng university kung saan nag aaral si Danny.

"Si ate Rex ba yun? Anong ginagawa nya dito?" Tanong ni Danny sakanyang sarili nang Makita nya si Rex na tila Wala sa sariling nag tungo sa mga kakahuyan.

Agad naman nya itong sinundan upang siyasatin.
Nang makarating na sila sa gitna nang kakahuyan.

"Sandali ate Rex, anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sakanya habang nakatalikod pa din sya saakin.

Hahawakan ko na sana sya sa balikat ng biglang may malakas na tunog akong narinig at halos mabaliw ako sa sobrang lakas. Hindi ko alam kung saan galing pero nilapitan ko pa din si Ate Rex. Ngunit nang lingunin ako.

"Sino ka?" Tanong ko habang nanghihina. Ngumiti ito saakin bago ito nag salita.

"Siguro Ikaw na ang sinasabi ni Senior na kapatid sa bagong buhay ni Rexxy? Napaka-hina at madaling mauto." Sagot ng babae at gamit ang kanyang kamay ay pinalutang ako sa ire ng walang kalaban laban.

Hindi sya si Ate Rex. Malamang siya na ang sinasabi nila ate Mycka na kampon ni Senior. Pero Hindi ako papayag na matalo. Gamit ang aking isip pina galaw ko ang isang bato at pinatamaan sa kanyang likud.

"Aray!" Sigaw ng babae at bumagsak ako sa lupa. At Wala na din ang malakas na tunog na nakaka-bingi.

"Sino ka?" Tanong ko.
"Ako si Hanna, pinakamalakas na Bampira at may lahing mangkukulam. At Ang papatay Sayo." Sabi nya at mabilis itong gumalaw at lumipat sa aking likuran.

Akmang kakagatin nya ako sa aking leeg, inutusan ko ang aking isipan na gumawa ng nakakabinging tunog na tanging sya lang ang nakaka rinig pero isang pagkakamali ang ginawa ko. Tuluyan pa din nya akong nakagat sa leeg.

DONDE ESTA REXY MORALES (Complete-Short Story)Where stories live. Discover now