Sa bawat pagsasaya ay may kapalit na lungkot,
Sa bawat pag-uusap na akala mo ay walang hanggan,
Ay may hangganan, may katapusan.
Sa bawat araw na may kasama, bigla na lamang silang mawawala.
Ang realidad ay isang bangungot,
Hindi lahat ay aayon sa iyong kagustuhan,
Hindi mawawari kung saan bubunot,
Ng pag-asa upang hindi maisip ang katapusan.
Sabi nila ay lumaban lang,
Sabi nila ay may pag-asa pa,
Ngunit nasaan ang pag-asa...
Kung ang pakiramdam ay laging nag-iisa?
Gusto rin naman maging masaya,
Ngunit ang mundo ay puno ng problema,
Nais na tulungan ang sarili,
Ngunit nakapaligid sa mga taong mapanghusga.
Ang realidad ay ang pagdurusa,
Ang realidad ay lahat may kapalit,
Nakakaramdam ng pagkalito,
Kung itutuloy pa o ititigil na ito.
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
AléatoireRandom thoughts turned into a poem/ one shot