Samahang Lumisan

3 0 0
                                        

May mga bagay na talaga na hindi natin pwedeng ipagpatuloy pa dahil sa kung anong dahilan.

Nakilala ko si Matthew bilang isang bakla, naalala ko pa kung paano niya ako lapitan at kausapin noon sa parke, akala ko talaga ay lalaki siya dahil kung ikukumpara siya sa iba ay panglalaki pa rin ang kanyang pananamit at hindi siya malambot gumalaw,

"Hi." aniya habang nakatulala ako sa hangin, Nakakatawa sapagkat pumunta ako sa parke ng mag-isa, kaarawan ko kasi ngunit
wala akong kaibigan na handang samahan ako. Hindi nila ako tinuturing na kaibigan, pero ako? Kaibigan pa rin ang turing ko sa kanila. 

Malalim ang boses niya kaya pagkadungaw ko sa kanya ay napakurap pa ako, tumawa siya at tumabi sa akin sa upuan,

"Bakit ka mag-isa?" tanong niya at diyan kami nagsimulang mag-usap, nung araw na iyon ay sinabi niya rin sa akin ang tungkol sa pagkatao niya. Nakakatuwa sapagkat hindi naputol ang koneksiyon naming dalawa sa parke, Ilang araw at buean ang nakalipas ay naging magkaibigan kami at madalas na nagkikita.

Sa hindi inaasahang pagkarupok ay nagustuhan ko na siya, nahuhulig na ako sa kanya at lahat ng ginagawa niya ay binibigyan ko ng malisya. Hindi ako makaamin sapagkat ramdam ko namang kaibigan lang ang turing niya sa akin. Hinayaan kong lumalim ang nararadaman ko para sa kanya, kasabay ng paglalim ng nararamdaman ko ay nagiging lalaki na siya... Pero para sa iba.

Nang maging lalaki na siya ay mayroon siyang pinakilala sa aking ilang mga babae niya, nasaktan ako dahil hanggang kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin, simula noon ay lagi na kaming nagkakainitan ng ulo, nag-aaway, hindi magkaintindihan.  Hanggang sa dumating sa punto na hindi ko inaasahang mangyayari. Ang bumalik kami sa dati, yung panahon na hindi pa kami magkakilala.

Untitled: Collection of Poems and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon