Ang ating maikling kwento

6 0 0
                                    

Bakit hindi mo ako makita?
Bakit ako ang nandiyan ngunit para sa'yo ako ang iyong 'inaakala'?
kung sa ugali ka nga namamangha,
Bakit namangha ka sa ugali ko ngunit iniisip mo na ako siya?

Siya na gusto mo, 
Siya na sa ugali'y kapareho ko,
Siya na inaasahan mong kausap mo,
Siya na kailanma' hindi magiging ako.

Ako ito, hindi kagandahan pero tunay na may gusto sayo.
Ako ito, isang taong tanggap ka ng totoo.
Ako ito, masayang masaya na natuwa ka sa ugali ko.

Pero wala ring silbi kahit matuwa ka,
Walang silbi kahit mamangha ka,
Sapagkat paulit ulit mong pinipilit,
Na ako ang inaakala mong dalaga.

Maaaring pareho kami ng katangian,
Pero hindi ako siya,
Sapagkat siya ay maganda,
Kaya agad siyang nakilala ng iba.

Isa lang akong simpleng dalaga,
Tahimik at hindi gaanong kilala,
Anong laban ko sa iyong inaakala?
Mabuti nang hayaan kita na isiping ako siya.

Naglaho't naging isa akong misteryo,
Misteryong hindi mo binalak alamin ang totoo.
Sana balang araw, ikaw naman ang lumapit,
Habang sinasabing "Ikaw pala yung hinahanap ko."


Untitled: Collection of Poems and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon