Chrizcelline's POV
Nandito ako ngayon sa libary namin habang trying hard na naghahanap ng librong hihiramin. Hindi ko naman kasi hilig ang magbasa, kailangan ko lang manghiram ng libro para sa dulo ng quarter ay hindi mahirap sa akin na magpapirma ng clearance.
Sinama sama pa kasi nila sa requirements, hindi ba sila aware na kadalasan ngayon ay busy na masyado para magbasa pa ng libro?
Habang naghahanap ng librong aking hihiramin ay napatingin ako sa gilid ko, dalawang estudyante ang nagbubulungan habang naghahanap rin ng libro. Kailan pa ginagamit ang bibig sa paghahanap ng libro?! Tss.
"Alam mo sis, ayaw ko na maghanap, kumuha ka na lang ng kahit anong libro diyan pang props natin para maichika ko na sa iyo yung ganap sa RPA ko!" sambit nung estudyanteng mahaba ang buhok,
Awtomatikong kumunot ang noo ko nang marinig ang salitang 'RPA', ano nanaman ang pauso ng mga batang ito?
"Puro ka RPW sis, mga mapanakit yung mga nandiyan, remember?!"
Giit naman ng kanyang kaibigan kaya bigla akong natawa, napatingin ako sa gawi nila at gulat naman ang dalawang tumingin pabalik.
Agad akong kumuha ng isang libro atsaka nag-excuse para makadaan,
Yuck, self! Kailan ka pa natutong makinig sa usapan ng iba ha?!
Pero ano ba kasi yung RPA/RPW na yan at nasabing mapanakit ang mga nandoon?
Pagkatapos kong mailista ang hiniram kong libro ay wala na ulit akong pake sa libro. Sus, magsasayang lang ako ng oras kapag binasa ko yung librong yan, atsaka gusto ko magfocus dun sa RPA/ RPW na pinag-uusapan nila. Ano kaya iyon, dating site?
Pagkapasok ko sa room namin ay tahimik ito, lahat nasa Canteen, hayst, Bakit ba kasi loner ako sa room na ito?
Napag-isip isip kong kunin ang phone ko, I guess hindi naman masamang magphone kapag recess?
"Kailangan kong malaman anong mayroon sa RPW, RPA na iyan." bulong ko at nagsearch na, sa kasamaang palad ay ang hina ng signal.
"Bakit ka nagc-cellphone ha?" bulong naman ng isa kong kaklase sa mismong tenga ko kaya muntikan ko pang mabitawan ang phone ko bago ko pa mailagay sa loob ng bag,
"Leche ka Livinon! Bakit ba nanggugulat ka ha?!" tanong ko at humalakhak siya,
"Siguro ang bilis na ng tibok ng puso mo sa kaba noh?" asar niya pa at umirap ako,
"Ano bang pakielam mo? Bakit ka nandito sa classroom?" tanong ko, nagkibit balikat siya habang uumupo sa tabi ko,
"Maiba tayo, bakit sinesearch mo ang tungkol sa RPW? May ganun ka?" tanong niya at umiling ako,
"Wala akong ganun, curious ako ano yung RPW at RPA dahil narinig ko sa mga bata kanina nung nasa library ako." sagot ko at kumunot ang noo niya,
"Bata? Anong grade sa tingin mo?"
"Grade 6." sagot kong muli at tumango siya,
"Gusto mo ba maranasan ang mga ganap sa RPW?" tanong niya at napakurap ako,
"Ha? Ayaw ko noh, curious lang talaga ako." sambit ko at muli siyang tumango ngunit nung araw na iyon ay nalaman kong ang RPW pala ay Roleplay World, nung marinig ko ang kwento ni Livinon, akala ko ay samahan ng mga posers yun pero nag-eexist pala ang accounts na ganun.
Nung gabing iyon ay nagbukas muli ako ng cellphone ko, Binuksan ko ang mga social media accounts ko pero as usual, walang ganap.
Naisip ko yung RPW, base sa kwento ni Livinon masaya doon sa mundong yun, Should I try it? Para naman maranasan ko rin yung saya kahit sa roleplay world lang.
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
RandomRandom thoughts turned into a poem/ one shot
