Ala-alang nagbalik

2 0 0
                                    

Sa mundong maraming gulo,
Sa mundong maraming makasarili,
Sa mundong nakakapagod,
Natagpuan kita.

Ikaw ang naging pahinga,
Ikaw ang naging sandalan sa bawat problema,
Ikaw ang binigay na biyaya,
Ngunit iniwan mo na lamang bigla.

Handa namang magsakripisyo,
Handang baguhin ang sarili ko,
Pero hindi pa rin sapat,
Dahil ang damdamin mo pala'y di tapat.

Sana man lang ay minahal mo ako,
Sana ay may katotohanan sa mga sinabi mo,
Imposible pero sana kapag nagkita tayo,
Ako pala ang tunay na hanap mo.

Untitled: Collection of Poems and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon