Nalunod Sa Musika

6 0 0
                                    

 Hindi inaakalang bibisitahin,
Bigla na lamang nandilim ang paningin,
 Hindi alam paano pakalmahin,
 Ang sariling nangangailangan ng hangin.

 Gustong maglabas ng saloobin,
 Ngunit walang malapitan,
 Wala man lang isang kaibigan,
 Kahit na panandalian.

 Nagsimulang patugtugin ang musika,
 Napatayo sa biglaang nadama,
 Dahil sa kakaibang tuwa,
 Ngiti ang sinusukli sa iba.

 Hindi namalayan kung saan napunta,
 Hindi man lang nagulat paglingon sa kaliwa,
 Bumagsak ang katawan at napapikit,
 Ngunit ramdam kung gaano siya kasaya.

Untitled: Collection of Poems and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon