Sa pagbuhos ng ulan,
Aking natuklasan,
Na hindi lahat ng tao,
Kinamumuhian ito.
Nasira ang mga plano,
Naudlot ang mga dapat na gagawin,
Ngunit maraming tumatanggap,
Nawala sa sarili ang pagpapanggap.
Napatingin sa bintana,
Napatitig sa bawat patak,
Napagtantong marami,
Ang pumasok sa isip at tumatatak.
Ala-ala ng nakaraan,
Problema sa kasalukuyan,
Pinapalungkot na pinapasaya,
Pinaparamdam ng ulan na buhay ka.
Sa madilim na alapaap,
Sa lamig na nadarama,
Tag-ulan ang oras ng pagmuni-muni,
At paraan upang piliin mo muna ang iyong sarili.
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
SonstigesRandom thoughts turned into a poem/ one shot