Spaun's POV
I was 17 when I first saw her. Kasama ko ang mga tropa ko na kumakain sa canteen nang napasulyap ako sa table niya, mag-isa lang siya at nakayuko pa, May pagkacreepy ang itsura niya dahil parang hindi siya marunong mag-ayos ng buhok,
wala naman siyang kinakain bakit pa siya tumambay sa canteen? Psh, mga bata talaga kanya kanyang trip.
Dalawang linggo na nandun siya lagi sa usual table niya, wala namang kinakain, Nako, anong trip naman kaya yan?
"Hoy Spaun!" biglang sambit ng tropa kong si Kian at talagang binatukan pa ako,
"Ano?!" galit na sambit ko at tumawa naman sila, "Gago, kakabantay mo sa batang hindi marunong mag-ayos hindi mo na kami naririnig." sambit naman ni Tres,
Awtomatikong kumunot ang noo ko nang tumingin sa kanila, "Pinagsasabi mo Tres?" tanong ko at sumingit naman sa usapan si Silver,
"Sus, ilang weeks mo nang sinusubaybayan yung weird na bata na yan, ano bang balak mo pare ha?" nakangising tanong nito habang taas baba pa ang dalawang kilay,
"Tigilan niyo na kaasar sa utol natin, magfocus nalang tayo sa truth or dare." singit naman ni kian,
"G ka ba truth or dare?" tanong niya sa akin at napatango ako,
"Geh G." sagot ko at umayos sila ng upo at bigla namang pinatong ni Kian sa lamesa ang boteng papaikutin,
"Kung kanino tumapat siya ang unang tatanungin." nakangising aniya at pinaikot na ang bote, naunang tumapat ito kay Tres, pangalawa kay Kian, pangatlo kay Silver pero pare parehas silang puro dare ang pinili.
"Ang swerte naman ni Spaun, hindi siya natatamaan, magtatime na oh, wala pang na dare sa kanya." reklamo ni Silver at ngumisi ako,
"Ganyan talaga tol kapag gwapo." saad ko at nagkunwari pa silang pasuka suka,
"Ul*l ako ang gwapo sa ating apat!" agad na sabi nito,
"Tanga mag-aaway pa kayo eh alam niyo namang ako yun?" singit ni Tres,
"Mas tanga ka, walang ibang nagiisang gwapo kundi ako lang." sambit ni Kian,
P*tangina, ang hahangin namin.
"Back to the topic mga tol-" sambit ni Silver,
"-Dapat lahat tayo nakapagdare, ang duga lang. Apat na nga lang tayo tapos 'di pa nakadare lahat?" Natatawa ako habang napapailing,
"Tol, panig sa akin ang mundo, ayaw niyang mahirapan ako."
"Ul*l, may naiisip akong dare para sa'yo." aniya, kumunot ang noo ko at nagtanong, "Ano naman 'yon?"
"Kailangan lagi mong kasama tuwing recess at lunch yung bata sa kabilang table simula sa susunod na lingo." nakangising aniya at ngumuso pa talaga,
Napasulyap ako sa table ng sinasabi niyang bata, "Aish, idadamay mo pa talaga siya sa dare mo?" tanong ko at napapailing,
"Mukhang crush mo, tinutulungan ka lang namin, diba mga tol?" tanong niya at siniko pa sila Kian,
"Oo nga, ilang linggo mo na siyang sinusubaybayan, anong akala mo sa amin manhid?"
"Pero hindi ko siya sinusubay-"
"Ah basta, dalawang linggong sasamahan mo yang bata na yan tuwing recess at lunch." ani Silver at napailing ako,
"Anong makukuha ko kapag sinunod kayo ha? Tigilan niyo ako."
"Magiging malapit ka sa kanya, kitang kita sa mata mo na gusto mo siyang lapitan tol, huwag kang maang maangan diyan." sagot ni Tres at muli akong napasulyap sa bata,
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
RandomRandom thoughts turned into a poem/ one shot