Sa unang buwan ako'y nahumaling,
Sa tinig at ugali mong maamuhin,
Parang kay hirap nang limutin,
'Pagkat ikaw ay naging hiling sa mga bituin.Sa pangalawang buwan ay nagkahiwalay,
Iniwang mag-isa ng walang kamalay malay
Pati ang puso ko'y iyong dinamay,
Isip ay takang taka kung saan mo ito tinangay.Sa pangatlong buwan ay muling nagkita,
'Di mapagkakailang mahal pa rin kita,
Ibinalik mo ang puso kong nagdurusa,
Kaya naman muli akong sumigla.Sa pang-apat na buwan ay nagtapat ng damdamin,
Ngunit mahal...mahirap akong paniwalain,
Sapagkat kapag pumayag ako'y aking tototohanin,
Natatakot na baka ako lamang ay iyong lolokohin.Hindi naman sa walang tiwala,
Ngunit natatakot lang akong muling mawala,
Hindi ko kayang mabura ang mga ala-ala,
Pati ang sakit na minsan ko nang nadama.Muli ka nanamang lumisan,
Na para bang ako'y isang laro,
Laro na kahit kailan mo gusto'y iyong iiwan,
Laro na alam mong mababalikan."Awat na," sambit ko sa aking sarili.
Kasi kahit sino naman ay hindi ako pinipili,
Laging may mas nakakahihigit,
Damang dama na isa akong walang kwentang binibini.
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
De TodoRandom thoughts turned into a poem/ one shot