Chie's POV
"V-vin, please isama mo na ako sa'yo baby, hindi ko kaya na wala ka. I-isama mo na lang ako sa'yo." naiiyak na pakiusap ko sa taong pinakamamahal ko, ang first love ko. Hawak ko ang pisngi niya at pinipilit siyang lumingon sa akin, "Please lumingon ka naman."
" Vin, mahal.." pakiusap kong muli at tumingin na siya sa akin, Agad akong naluha nang makita ko muli ang kanyang mga mata, ang tagal na nung huli ko itong matitigan,
"Baby, hindi kita pwedeng isama." aniya na nagpaluha sakin lalo,
"Bakit kailangan humantong tayo sa ganito? Bakit hindi pwedeng sumama ako sa'yo?"
"I'm sorry Chie, gusto ko lang na maging masaya ka, gusto ko makita mo na mas masaya ka na wala ako."
"Anong rason yan, Vin? Tingin mo ba hindi ako masaya na kasama ka?? Tingin mo ba mas sumaya ako ngayon??" tanong ko sa kanya,
Kahit dismayado ako, kahit na nasasaktan ako, ayaw ko nang palampasin pa ang oras na ito para matitigan siya, sobra sobrang miss ko na siya, "Miss na miss na kita, Vin...Miss na miss na." naiiyak na sambit ko at naramdaman ko ang yakap niya, pagkatapos ay pinunasan niya ng luha ko,
Tumayo siya at nag-alok ng kamay, "Tahan na Chie, ayaw kong makita kang nahihirapan, 'di ba?"
Nalilito akong tumingin sa kanya, "I-isasama mo na ba ako?" tanong ko habang inabot ang kamay niya, Bumilis ang tibok ng puso ko nang magkatapat kaming muli,Magkahawak kamay na kami ngayon at hindi ko alam kung bakit kaba ang nararamdaman ko, Nakangiti siya habang magkatitigan kami,
"Chie, mahal mo ba ako?" tanong niya at agad naman akong naluha, "Mahal na mahal kita, Vin." sagot ko at pinunasan niya ang luha ko, "Ako rin, Chie. Mahal na mahal na mahal na kita."
"Naramdaman ko na ito dati, Vin, anong ibig sabihin mo sa katagang yan?" tanong ko at pinisil niya ang kamay ko, "Mahal na mahal lang talaga kita, Chie. " aniya at hindi ko na mapigilan ang luha ko, "Pwede ba ako magrequest sa'yo, Chie??" tanong niya at huminga ako ng malalim bago tumango,
"Pwede bang mabuhay ka ng masaya kahit wala na ako sa tabi mo?" tanong niya, tumitig ako sa kanya ng matagal,
"A-alam mo naman Vin na ikaw lang nakakapagpasaya sa akin. Kaya alam mo rin na hindi ko 'yan magagawa." napapailing na sagot ko,
Ngumiti siya, "Mahal mo ako, 'di ba??" tanong niya at umiwas ako ng tingin dahil tulo ng tulo ang luha ko, marahan niyang iniharap ang mukha ko sa kanya, "Baby mahal mo ako, 'di ba?" tanong niya na nakapagpapalambot talaga ng puso ko,
"O-oo." sagot ko at pagkatapos ay bigla niyang hinalikan ang noo ko,
"Sasaya ako kung matupad mo yung hiling ko mahal ko, sasaya ako kung palayain mo na ang sarili mo mula sa akin at simulan na alamin ang tunay mong nararamdaman." aniya at pagkatapos ay naglakad siya palayo sa akin, "VINNN! VIN, PLEASE ISAMA MO AKO SA'YO!" sigaw ko habang tumatakbo palapit sa kanya, pero diretso lang siya sa paglalakad at ang layo na ng agwat namin, "Please Vin!" sigaw ko, narinig ko lamang ang bulong niya,
"Mahal natin ang isa't isa noon, pero isa lang akong rason para matagpuan mo siya."
"WHAT THE HECK ARE YOU PLANNING TO DO CHIENA?!" sigaw ni JL habang nilayo ako sa kinatatayuan ko, Napatingin ako sa paligid, na sa bahay ako... "Si Vin, nakita ko siya kanina JL, nakita ko siya! Sasama na sana ako sa kanya, sasama na ako pero hindi niya ako sinama."
"Magpasalamat ka Chiena." aniya at sa inis ay agad akong lumayo sa kanya, "Magpasalamat? Bakit? kasi iniwan niya ulit ko at kailangan kong magdusa habang hindi siya kasama?"
" Magpasalamat ka dahil kung sinama ka niya, patay ka na ngayon!" Nagulat ako sa pagsigaw niya kaya hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko,
"Pasensiya na Chie, pero nandito pa kami at pinaparamdam namin ang pagmamahal namin sa'yo. Oo, hindi namin kayang pantayan ang pagmamahal sa'yo ni Vin pero bakit kailangan mo kaming kalimutan? Sana ako na lang yung namatay, kasi hindi ka magkakaganyan kung ako naman yung nawala, 'di ba?" aniya at napayuko ako dahil naalala ko muli ang pinaka masakit na araw sa buhay ko...
"Baby.." malambing na sambit ni Vin, at nakangiti naman akong tumingin sa kanya,
"Bakit po, baby?"
"Paano kung may magkagusto sa'yo? Matino naman gaya ko at may hitsura rin, tapos manliligaw siya, papayag ka?"
"Anong tanong yan? Siyempre hindi, may Vin na ako tapos papaligaw pa ako sa iba? One is enough, my Vin is enough." confident na sabi ko at lumapit siya sa akin para halikan ang noo ko,
"Thank you." aniya at tumaas ang isang kilay ko, "Bakit mo naman natanong baby?" tanong ko,
"Nagustuhan ko ang sagot mo baby, pero gusto mo ba malaman kung anong gusto kong gawin mo kapag nangyari yun?" tanong niya kaya tumango naman ako,
"Gusto ko magpaligaw ka, gusto ko balang araw piliin mo siya." aniya at umiling ako,
"Bakit naman? Paano ka? Tsaka paano kung ayaw ko huh? Ikaw lang mamahalin ko hanggang dulo, Vin. Bakit naman ganyan ang pananaw mo?"
"Hindi natin hawak ang kapalaran, baby. Oo mahal natin ang isa't isa pero pwedeng magbago ang lahat sa isang iglap."
"Kaya ayaw mong magpromise sa akin na makakasama mo ako hanggang pagtanda dahil sa pananaw mong 'yan, pero tanggap ko iyon basta huwag lang sana mawala yung pagmamahal mo para sa akin." nalulungkot na sabi ko at ngumiti siya,
"Huwag kang mag-alala baby, yun ang sinisugurado ko sa'yo." sabi niya at niyakap ako, "Pero baby, bawal PDA, 'di baa?" sambit ko pero nakayakap pa rin ako pero mas mahigpit na,
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
AcakRandom thoughts turned into a poem/ one shot