Kasalanan bang umibig?
Sa iyong presensiya'y nais kong ibuka ang aking bibig,
Kung nais mo lang sanang makinig,
Baka ngayon ay mapupunit na ang iyong labi sa kilig.Tayo'y naging magkakilala,
Naging magkaibigan at pinasaya ang isa't isa,
Ngunit ngayo'y isa na lang iyong alaala,
Sapagkat hindi ako ang nais mong makasama.Sinaktan mo at pinaasa,
Ang puso kong nais lamang ibigin ka,
Bakit sa dinami dami?
Ako pa'y naging isa sa mga biktima.Bakit ba kasi ikaw pa?
Sa aki'y maraming nagkakandarapa,
Sana namili na lang ako ng isa sa kanila,
Upang puso ko'y makaramdam naman ng ligaya.
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
RandomRandom thoughts turned into a poem/ one shot