Hindi Inaasahan

4 0 0
                                        

Sa hindi inaasahang pagkikita,
 Atensiyon ay agad na nakuha,
 Kumislap ang aking mga mata,
 Nung sa akin ay napasulyap ka.

Hindi inaasahang maging magkaibigan,
Ako ang iyong naging sandigan,
Sa kalokohan man o kalungkutan,
Walang kwentong nalalagpasan.

Ngunit hindi ko rin inaasahan,
Na ikaw pala'y aking magugustuhan,
Ako ay nasasaktan,
Nagseselos ng wala namang karapatan.

Akin nang inasahan,
Na kahit ako ang nandiyan,
Kahit na aking ipagpilitan,
Hindi mo pinili,
Sapagkat wala naman sa pagpipilian.

Untitled: Collection of Poems and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon