The break up

5 0 0
                                        

FIRST ONE SHOT 

CRYSTAL'S POV

Hindi ko na mapigipan ang sarili na mainis sapagkat nasa harapan ko ang taong balak ko nang tanggalin sa buhay ko kahapon pa. 

Dapat talaga masaya kami ngayon, dapat sinusulit namin ang araw na ito pero hindi ko na magawa, inis na inis na ako. Tama ang na ang pagtitimpi.

"Babe, mukhang seryoso ka ha? May problema ba?" tanong niya at tumigil sa pagkain upang hintayin ang sagot ko,

"Ayaw ko na Jake, naglolokohan na lang tayo dito. Itigil na natin ito, let's break up." saad ko,

Agad na akong tumayo at tinalikuran siya, nagmadali akong lumabas ng mall. Inaasahan ko nang susunod siya,

"Babe!" tawag niya kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad papunta sa sakayan,

"Babe!" 

"Saan ka ba pupunta?" tanong niya at hindi ko lang siya pinansin,

"Babe! Sandali lang naman!" pigil niya dahil nahawakan niya ang braso ko,

"Lumayo ka nga sa akin, Jake!" sigaw ko at nakikita ko ang pagtataka sa mga mata niya,

Talagang magtataka pa siya? Dapat ba lagi ko na lang sasabihin sa kanya kung bakit ako nagkakaganito? Kung bakit ayaw ko na?

"Babe, kausapin mo naman muna ako, ipaliwanag mo sa akin anong nangyayari sa'yo..."  aniya at lumayo ako sa kanya,

"Ayaw ko na, ganun lang iyon kasimple Jake!" sambit ko at bumuntong hinga siya,

"Ipaliwanag mo sa akin kung anong nangyayari, tara na muna sa kotse...doon na lang natin pag-usapan." malambing na sabi niya at pakiramdam ko ay lumalambot nanaman ang puso ko,

Tama na, Crystal...tatlong taon ka nang nagtitiis, tatlong taon ka nang nahihirapan. Tatlong taon ka nang nagtitimpi.

"Ayaw kong sumakay sa kotse mo." Pagmamatigas ko,

"Iwan mo na ako dito, Tapos na tayo."
Sabi ko at nag-iba ang hitsura niya,

"Sa ayaw at sa gusto mo, doon tayo sa kotse mag-uusap." aniya at binuhat ako,

"T*ngina Ka, Jake! Ibaba mo nga ako! Kidnapper! Kidnapper!" sigaw ko, alam kong nakikita kami ng ibang tao,

Tumitingin ako sa kanila na para bang nanghihingi ng tulong, Mga leche! Parang tinitignan lang nila ako dahil mukha akong baliw! Tskkk! 

"Bata ka?" natatawang tanong ni Jake at hinampas hampas ko ang likod niya, 

Mabilis siyang naglakad kaya agad kaming nakarating sa parking lot, sa tapat ng kotse niya,

Ayaw ko na nga eh! Bakit ba ayaw niya akong paniwalaan?!

Binaba na niya ako at napacross arms na lang ako,

"Babe...Ano ba kasing problema mo? Tinotoyo ka nanaman? Ilang taon na tayong ganito, 3 years na tayo ngayong araw na 'to, gusto mo ba talagang maghiwalay na?" seryosong tanong niya habang nakakunot pa rin ang noo ko, 

Hindi ko siya sinagot at inirapan ko lang siya,

"Ano bang nagawa ko?" tanong niya at muling bumuntong hinga,

"Ano nga ba? Bakit hindi mo alam? Bakit kailangan sasabihin ko pa talaga sa'yo?!" pasigaw na tanong ko,

"Babe...Sabihin mo na para itama ko, hindi yung sinasarili mo. Mayroon ka ba ngayon?" tanong niya at mas lalo akong nainis,

Untitled: Collection of Poems and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon