Breanna's POV
I knew about RPW because of my best friend Kristeen. Naalala ko pa noon puro siya kwento tungkol sa mga kaibigan niya sa RPW na sumusuporta sa kanya sa paggawa ng artworks niya. Full support naman ako sa mga balak niyang gawin kahit hindi ko maintindihan kung ano ba talagang ganap sa RPW na iyan.
Consistent ang pagkwento niya tungkol sa RPW at dahil doon nasobrahan na ang curiosity ko, nagtanong ako kung may rules ba at kung ano ba ang mga puwedeng gawin doon, matagal tagal kong pinag-isipan kung gagawa ba ako ng account pero dahil sa quarantine, dumating ako sa point na gumawa na rin ako ng account. Pagkagawang pagkagawa ng account ay nagrandom add ako, yung iba kpop ang profile, yung iba naman anime, o di kaya ay mga foreigner or korean...ang profile ko ay hindi ko kilala pero kinuha ko lang sa google.
Nung mayroon nang nagaccept ng friend request ko ay tinignan ko kung anong mga ginagawa nila, uso rin pala ang writers, sh*tpost, threader, spazzer sa RPW.
"So, anong gagawin ko sa account na ito?" sambit ko sa aking sarili, habang nag-iisip ay inabot na ako ng madaling araw kakascroll lang. Yung pag-iisip ko napunta sa pagscroll at pagreact sa mga pinagp-post nila. Ilang araw ang pagpupuyat ko kakascroll at pareact react lang sa mga posts, medyo nagsasawa na ako. Habang muling nags-scroll ay tumunog ang cellphone ko,
'Wow, may chat head!'
Chrizell: Hii
Breanna: Hellooo
Chrizell: Sali ka na squad
Breanna: squad
Chrizell: oo, Sali ka na di ka maoop dun
Breanna: Sigeeee
Sa squad na iyon natuto akong maging madaldal, naging sobrang kampante ako at naging malapit na sa bawat miyembro ng squad na iyon, doon ako rin nakilala ang bbf kong si Kace.
Kace is two years older than me, alam kong no op related dapat pero wala eh..halos lahat naman yata ngayon nagsasabi ng informations about sa identity nila sa real world. Siya ang unang nagpm sa akin, at siyempre dahil ka squad ko siya ay pinansin ko. Naging deep ang connection namin dahil lagi kaming nags-share ng problems namin sa isa't isa. Nagsend pa siya ng op niya, vm, at nalaman ko ring parehas kami ng hometown, plus, alam ko rin ang pangalan niya sa real world.
'Ang toxic niya, hmpf'
Kace became my bbf, pero hindi ko rin naiwasan ang mahulog, I know, I know I'm toxic as well, nasa rule na bawal ma in love sa co rp'er, pero wala eh, sobrang caring niyang bbf, at may pagkamadamot, ayaw niya akong kumakausap ng iba bukod sa kanya at squad namin. Damn, ni hindi nga ako mabastos ng ibang brp dahil automatic na reresbak siya. Isa pa, adik ako sa wattpad pero binibigyan niya ako ng curfew na hindi ko rin naman sinusunod. Pinapaalam niya rin sa akin kung iinom siya ng alak sa kanila, kapag sinabi kong hindi pwede, I know hindi talaga siya iinom. Hmpf, unlike other brps, masyado siyang nagpapakatotoo sa sarili niya.
Dumating nga lang sa point na nagkaroon siya ng own gang niya at ako naman ay nagkaroon rin ng sisterbotherhood, doon nagkalayo ang loob namin sa isa't isa, hindi na kami tulad ng dati na panay voice call and panay update sa mga ganap sa kanya kanyang buhay namin. Simula din noon ay iba na ang trato namin sa isa't isa. Nasaktan ako dahil dumalas ang bangayan namin, kapag kasi gusto ko maglambing ang cold niya, kapag gusto niya naman maglambing ako naman yung cold. Dahil sa ganoong set up, hindi ako ginaganahang kumain kaya nagkakasakit na ako.
Binisita ako ni Kristeen dahil nag-alala siya sa akin, doon ko kinuwento sa kanya ang tunay na dahilan kung bakit ako nagkasakit,
"Deactivate mo muna account mo sis, sinabi ko naman ang rules sa'yo, bakit hindi mo sinunod ha?" sermon niya at yumuko ako,
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
RandomRandom thoughts turned into a poem/ one shot