Pagmamahal ko sa'yo

6 0 0
                                        

Tama lang pala kung nanahimik,
Tama lang pala kung hindi na umimik,
Hindi na lang sana lumapit,
Para hindi makaramdam ng sakit.

Sa saglit na panahon,
Binigyan ko ng pagkakataon,
Sumubok kahit hindi sigurado,
Nagparamdam kahit siya'y malabo.

Hindi mapagkakailang naging dismayado,
Kay bilis naman, ikaw ay agad na naglaho,
Ngunit kung ang paglaho mo'y para sa iyong kaligayahan,
Bakit naman hindi kita hahayaan? 

Nais ko lang ay sumaya ka,
Kahit ito pa'y sa piling ng iba,
Hilingin ko mang mapasaakin ka,
Alam kong hindi iyon matutupad sinta.

Ngayon ay nawalan muli ng tiwala,
Sa sarili at pati na rin sa iba,
Sabi nga niya'y may mas nararapat pa,
Ngunit paano ba mapunta sa taong mamahalin ka?
Yung ikaw lang at hindi na maghahanap pa ng iba.

Untitled: Collection of Poems and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon