Panghuling pasasalamat
Salamat sa lahat ng tamang pagtrato,
Salamat dahil naging isa kang mabuting tao,
Salamat dahil kahit ikaw ay loko loko,
Hindi ka nakakalimot na kamustahin ako.Sobrang natutuwa ako sa'yo,
Kaya ako ay minsan nang nagkagusto,
Sana ay huwag kang magbago,
Dahil iyan ang mamahalin sa'yo ng taong mahal mo.Ang mga tanong kung ayos lang ba?
Ang pagpuri sa mga simpleng bagay na nagagawa,
Ang pagpapakita ng pag-aalala kung may problema,
Lahat iyon ay sa akin nagpaasa.Ngunit ngayon ay natanggap ko na,
Kaya ang pasasalamat ay nais kong ipadama,
Hiling ko na lang ay maging masaya ka,
Makamit ang pangarap at ang salitang "oo" mula sa kanya.
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
RandomRandom thoughts turned into a poem/ one shot