Isang istoryang walang nakakaalam,
Ang paulit ulit na gumugulo sa isipan,
Ayaw mang sa iba'y ipaalam,
Uumpisahan isalaysay ang kanyang nararamdaman.
Nagkasundo sa unang pagkikita,
Saya, kalokohan, mga laro at problema,
Ala-ala na pinahalagahan kahit na hindi na magkasama,
Naghiwalay bigla dahil sa utos ng tadhana.
Akala ay maayos pa ang samahan,
Ngunit binuhos ang galit sa isang dalaga,
Tila ang pagtatampo ay idinidiin sa inosenteng madla,
Lahat ng iyon ay binuhat at dinala.
Iba ang pagtrato sa kaniya,
Kitang kita sa mga mata,
Pagpapakita ng kaantukan at nakatunganga,
Pero makikita mo ang saya kapag iba ang kasama.
Walang buhay pagdating sa kanya,
Ngunit kayang makipagtawanan sa iba,
Laging galit, hindi na malaman,
Ano bang nagawa nitong kasalanan?
Ano bang nagawa nitong kasalanan?
Uulit ulitin na lamang,
Dahil baka sakaling maramdaman,
Ang pagtataka at kirot na pilit na kinakalimutan.
Tinanggap niya at inintindi,
Na kapag kailangan lang siya pinapansin,
Na kapag kakausapin siya'y may kailangan lang tanungin,
Na kapag mabait sa kanya'y mayroon lang hihilingin.
Hindi pa rin nawala ang pagkadismaya,
Nag-iwan ng sugat sa pusong durog na,
Lahat ng isipin ay naghalo halo,
Hanggang sa naging isa siyang masamang tao.
---MISSMYRASARCASTIC---
Kung patuloy nilang sinasaktan ang damdamin mo,
Tandaan mo balang araw, mararanasan nila yung sakit na pinaramdam nila sa iyo.
Hindi mo deserve na masaktan dahil sa mga taong gusto mo lang naman pahalagahan. Tanggalin mo sila sa buhay mo dahil kapag sila ang nakapalibot sa'yo, imbis na mabuo mo ang sarili mo ay mas lalo mo lang itong hinayaan na masira ng husto.
Oo, malulungkot ka kasi importante sila sa'yo, pero isipin mo, sila ba nalungkot nung wala ka na sa kanila?
Hindi.
Tuloy pa rin ang buhay nila kahit wala ka, ituloy mo rin ang buhay mo at ipakita mo sa kanila na mas masaya ka nung wala sila.
Hindi naman masamang piliin ang sarili kung puro sakit lang ang binibigay sa'yo ng ibang tao.
Hindi mo naman kailangang intindihin lagi ang iba, masama yan paabutin sa puntong walang wala ka na.
Kung sinasadya nila na saktan ang damdamin mo,
Huwag mo na lang silang isipin,
Huwag mo silang pansinin,
Huwag ka nang umasa sa samahan niyong kahit kailan ay hindi naman naging totoo.
Pinagmukha kang t4nga?
Huwag kang maguilty at ipamukha mo rin iyon sa kanila.
Kung ang mga yan ay depinisyon nila ng pagiging masamang tao, huwag kang matakot na maging isang masamang tao.
BINABASA MO ANG
Untitled: Collection of Poems and One Shots
RandomRandom thoughts turned into a poem/ one shot
