Katotohanan sa likod maskara

6 0 0
                                    

Alam mo natatakot na ako,
Natatakot na akong magpakatotoo,
Natatakot na akong malaman ng iba ang tunay na ako,
Natatakot na akong umasa at maniwala sa isang tao.

Madaling palambutin ang puso ko,
Kaunting pagiintindi at pag-aalala,
Paniguradong susugal ako,
Bibigay ako at sa huli'y maaaring mapasayo.

Pinalambot mo ang puso ko,
Pinangakuang hindi ka magsasawa at aalagaan mo ako,
Pinaniwala mo akong sa altar ay aabot tayo,
Pinaasang hanggang dulo ay sasamahan mo ako.

Ikaw ang dahilan kung bakit,
Puso ko ay nakaramdam ng matinding sakit,
Nang bumigay ako't binigyan ka ng motibo,
Saka mo naman pinaramdam na kaiwan iwan ako.

Ang tiwalang matagal mong nakuha ay sinayang mo,
Pati ang pagmamahal ko na handa kong isukli sa pagmamahal mo,
Pinaglaruan mo lang ba ako?
Iniwan mo akong nagtataka kung bakit ako pa ang napili mo.

Mayroon na bang mas nakakaganang kausap kaysa akin?
Sabi mo ako lang hindi ka magsasawa,
Ano nang nangyari sa atin?
Oo nga pala, walang tayo.

Pero sabi mo manliligaw ka,
Manliligaw kita pero nasaan ka ngayon?
Naglaho na parang bula,
May kausap na palang iba.

Untitled: Collection of Poems and One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon