"aray ko" tiningnan ko kung sino yung pumitik sa noo ko."yung laway mo oh, nagbabaha na dito" sabi ni ricci habang umaakto pa na naapakan nya yung laway ko daw, oa.
"kamusta sugat mo?" tanong nito kaya napatingin kami pareho sa tuhod ko na may sugat.
"mag iiwan ng scar to" sabi ko sa kanya.
"katangahan"
Hindi ko na ito pinansin at pinagpatuloy ang panonood kay kobe na masayang nakikipagkwentuhan kala james.
Naramdaman ko naman na umupo sa tabi ko si ricci.
"bakit ayaw mong lapitan?" tanong nito. Napabuntong hininga ako bago siya sagutin.
"pag nilapitan ko yan, magsusungit na naman yan, minsan ko na nga lang makitang nakangiti tapos sisirain ko pa? ok na ko dito sa malayo" paliwanag ko sa kanya.
"ganyan ba magmahal ng bulakenya?" natatawang tanong nya.
"hindi, ako lang ata ang ganito magmahal" ngiti ko sa kanya.
"weird mo talaga, dinagdagan mo na naman yung mga ayaw sayo ni kobe"
"baliw ka ba? eh ikaw ang nagdadagdag kahit di naman dapat idagdag dahil wala naman sinasabi si kobe" irap ko dito, natawa naman ito. Gawa gawa nya lang yung mga yon, pero di ko rin maiwasan na isipin yon, baka ayaw talaga ni kobe sa mga yon kaya lagi akong binabasted.
"cute ngumiti no?" tanong ko kay ricci atsaka tiningnan ito na nakatingin sa akin.
"oo" sabi nito na nakatingin pa rin sa akin.
"gago hindi ako, si kobe" hinarap ko pa yung muka nya kala kobe na ngayon ay nagsshoot na.
"arisu, sama ka?" tanong ni javi.
"saan?" tanong ko pabalik dito.
"club kami later, tugs, tugs, tugs" sagot ni noah atsaka sumayaw pa.
"kasama ba" nguso ko kay kobe na di kalayuan sa amin.
"naman, iyan pa? laging present yan" napangiti naman ako.
"sige sama ako"
"lady gagita, umiinom ka ba talaga?" tanong ni jun sa akin. Hindi naman talaga ako umiinom, sumama lang ako kasi kasama si kobe.
Nakita kong nakatingin sa amin si kobe kaya tumango ako "o-oo naman" agad kong inabot yung boteng may laman na alak atsaka nilagok ito. Ang pait.
"sanay ka ba talaga?" agad ko inayos yung pagmumuka ko na kanina ay sobrang pait.
"baliw ka talaga, di ka naman sanay uminom" sabi ni ricci na syang katapat ko. Kami kami nalang yung nasa table dahil yung iba di na namin alam kung nasan nang parte ng club.
"teka magppractice lang ako" paalam ko sa kanila.
"anong practice?" tanong ni jun na syang katabi ko. apat lang kasi kami dito.
"basta, babalik ako pag pro na ako" sabi ko sa kanila at tumayo na.
"excuse me, ano ba yung mga pang beginner nyo dito?" tanong ko sa lalaking nasa counter.
"po?" takang tanong nung lalaki.
"bigyan mo nalang sya ng cocktail" sabat naman nung lalaking tumabi sa akin.
Ngumiti ako sa kanya "pang beginner ba yon?" tanong ko dito.
Natawa lang ito sa akin atsaka nag abot ng bayad. "bakit mo binayaran eh ako ang iinom?" takang tanong ko dito. Di naman nya ako kilala pero nililibre nya ako.
"my treat, since ngayon ka palang iinom" tumango nalang ako.
Nung tininkman ko yung cocktail, di na sya ganoong kapait dahil siguro may halo ito.
Nagkwentuhan lang kami habang pinapainom nya sa akin yung ibang matatapang na alak, wala naman akong magawa dahil gusto ko maging pro sa alak. Baka kasi iyon ang gusto ni kobe, babaeng umiinom.
-3rd-
"here try this one, it's called tequila" sabi ng lalaki kay arisu habang nilalapit sa bibig nya yung baso ng tequila.
Umiling naman ito "meshakit na ulo ko, geshto ko na umuwi" sabi ni arisu habang bumaba ito sa mataas na upuan na kinauupuan nya.
Kamuntik naman na ito matumba buti na lamang ay nasapo ito ng lalaki. Sa tagal ng pag uusap nila kanina ay hindi man lang nila natanong ang pangalan ng isat isa.
"shelamat pala kashi * nilibre mo ako, ngayon may alam na * ako sha alak" putol putol na sabi ni arisu habang akay sya ng di kilalang lalaki.
"anong libre? may kapalit yun" sabi nung lalaki atsaka inamoy yung leeg na arisu na ikinatawa ng babae dahil nakiliti ito.
"balik tayo kay kobe" sabi ni arisu atsaka naupo sa sahig dahil nasa labas na sila.
"tara na, dadalin na kita" pilit nitong tinatayo si arisu.
"arisu" napatingin naman ang lalaki sa tumawag.
"lets go" sabi naman ni kobe habang inaalalayan tumayo si arisu.
"kobe" hinawakan naman nito ang pisngi nito.
"teka pre, sino ka ba? iuuwi ko na sya" hinawakan sa balikat nito si kobe.
Tiningnan nya ito ng masama "back off"
"what were you thinking? you were about to get rape you beautiful bitch" inis na sabi ni kobe kay arisu habang akay akay nya ito papuntang kotse.
Nang mainis ito sa tagal maglakad ni arisu ay binuhat na nya ito na parang sako ng bigas sa balikat nito.
Nahimasmasan si arisu ng maramdaman nya na may nagpupunas sa muka nito gamit ang basang bimpo.
"ang ayoko sa lahat ay yung pinipilit kahit ayaw naman talaga" sabi ni kobe ng mapansin na namulat ang mata nito.
"ayaw mo ba talaga sa akin?" naiiyak na tanong ni arisu kaya napatigil si kobe sa pagpupunas at pinagmasdan ito na umiiyak na.
Huminga ito ng malalim atsaka pinagpatuloy ang ginagawa na parang walang tanong na dapat sagutin.
"mahirap ba talaga ako magustuhan?" tanong muli ni arisu pero di na nya ito pinansin.
"nagda diet na nga ako eh, iniiwasan ko na rin madapa, pag inaasar ako nila ricci pinipigilan ko yung sarili ko mapik--"
"it's not about those arisu" sagot ni kobe sa kanya.
"eh bakit ayaw mo sa akin?" mahinang tanong nito.
"matulog ka na" sabi nito atsaka inayos yung comforter.
"ano ba kasi gusto mo? mahinhin? matalino? paya--"
"hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan kaya stop changing yourself para lang magustuhan kita" napahinto ito sa sinabi ni kobe.
Hindi na nakaimik si arisu sa narinig kaya ng maramdaman ni kobe na wala nang sasabihin si arisu ay iniwan na sya para siguro makapagpahinga na, dapat ay tulog na sya kanina pa dahil sa alak pero yung sinabi ni kobe ang dahilan kung bakit gising pa sya ngayon at umiiyak.
'Masakit pala masampal ng katotohanan' mapait itong napangiti sa sarili.
![](https://img.wattpad.com/cover/278428639-288-k642905.jpg)
BINABASA MO ANG
Favorite Crime // Kobe Paras
FanfictionShe love him too early and he love her too late.