6

98 4 1
                                    


"so, totoo pala yon?" napalingon sa akin ang ibang fighting maroons na mga seryosong nagkukwentuhan. Lumapit ako sa kanila at tumabi kay ricci.

"yes" tumango tango ako sa sagot maikling sagot ni will.

"kelan pa?" tanong ko muli sa kanila.

Nagkibit balikat naman si jaydee "kanina lang din namin nalaman. Wala naman nakakaalam sa atin na may nililigawan pala sya doon"

Mahabang katahimikan ang bumalot sa amin, nakikiramdam siguro sila kung ano ang magigibg reaksyon ko. Naiinis ako na nalulungkot na nadidismaya, pero di ako nagpkita ng kahit anong sa reaksyon nila.

So this is what they called 'the real rejection of love' kahit naman na araw araw akong nirereject ni kobe, iba pa rin yung ngayon. Umasa kasi ako na makukuha ko sya sa mga ginagawa ko, kahit pala ibuhos ko lahat hindi nya talaga ako magugustuhan dahil may specific type sya sa isang babae.

"gusto nya pala yung mga bad girl no?" pekeng tawa ko. Tinitingnan lang nila ako, sinusubukang basahin, pero di ako magpapabasa.

"bad girl ka naman ah, hindi nga lang halata" sabi ni janjan. Siguro way nya ito para icomfort ako, kaso hindi tumatalab sa isang katulad ko na hindi pinili. Bakit nga pala ako pipiliin eh hindi nya nga ako gusto.

"unlove mo na ba si kobe?" tanong ni will, nakita ko naman na siniko sya ni noah.

Tiningnan ko sila "mahirap" malungkot na ngiti ko sa kanila. I wanted to cry, pero hindi ngayon.

Kahit naman na kaibigan ko ang ilan sa kanila at kilala nila ako pagdating kay kobe, di ko magawang umiyak sa harap nila. Siguro nahihiya ako sa kanila.

Ang gaga ko naman kasi eh, magkakagusto lang ako doon pa sa alam kong hindi ako magugustuhan. He's out of my league, tama lang pala yung poem o yung kanta na ibinigay ko sa kanya nung nakaraan. Nasa kanya na nga ang lahat.

Nakarinig kami ng asaran na papalapit. Lahat kami ay napatingin kung saan nanggagaling ang ingay.

Sila kobe, kasama yung dalawang englishero, si David at James. Nang makita nila na nakatingin kami sa kanila, napahinto sila at tumigil sila sa asaran.

"sige, mauna na ko, may klase pa nga pala ako" sabi ko sa mga kasama ko.

Tumango naman sila "ingat"

Tumayo na ako at nagsimulang maglakad, diretso ang tingin. Ni hindi ko tinapunan ni tingin si kobe na alam kong nakatingin sa akin nung nilagpasan ko sya. Nung alam kong pwede nang umiyak atsaka ako umiyak. Ang sakit pala talaga.

Baka nga talaga hindi siya para sa akin.

Pero ipipilit ko pa rin.

//

"hi boys" maligayang bati ko ng makita ko silang nag aasaran at nagtatawanan habang nag aayos ng gamit nila. Mukang tapos na sila mag training.

"wow arisu, ikaw ba talaga yan?" noah asked habang tinitingnan ang kabuuan ko.

"wala nang iba" masayang sagot ko dito.

"ibang... iba ka ata today" medyo di siguradong tanong ni javi.

"I am! hindi lang today, kahapon din at sa mga susunod na araw din" sabi ko atsaka ngumiti ng matamis sa kanila.

"ganyan ba talaga pag broken hearted?" rinig kong bulong ni janjan kay juan na syang ikinatawa nila ng mahina.

"sabi ko kasi sa inyo noon, may knock on woods kayo para di magkatotoo yung mga pinagsasabi nyo" litanya ko sa kanila atsaka inabot sa kanila yung dala kong ulam.

"ngayon lang ata kami nakatanggap ng pagkain galing sayo? si arisu ka ba talaga" tanong ni jun atsaka sinipat yung loob ng paperbag.

"treat ko sa inyo since napakabait nyong mga kaibigan sa akin" ngiti ko sa kanila.

"and of course sa nag iisa sa lahat" nilapitan ko si kobe na kanina pa nakatingin sa akin.

"here, kare kare at menudo, i cooked that for you" sabi ko atsaka kumindat pa.

Tiningnan nya muna yung paperbag bago ako tingnan. "No" sabi nito atsaka bumalik na sa ginagawa.

Natawa ako ng mahina atsaka bumaling ulit sa mga kasamahan nito. "ayaw eh, sige sa inyo nalang" sabi ko atsaka inabot sa kanila yung paperbag. Naiinis ako pero di ko pinahalata sa kanila, nareject na naman ako.

"so, nagluto ka talaga para sa kanya, tapos etong binigay mo sa amin ay tira lang?" tanong ni will. Tumango at naupo sa isa sa mga bench.

"sabi na nga ba eh, hanggang tira tira lang tayo" natatawang sabi ni ricci.

"teka, mag aayos lang kami tapos kainin natin to ng sabay sabay" paalam ni jaydee kaya tumango lang ako.

Kinuha ko yung salamin at lipstick ko sa bag to reapply. Habang nag lilipstick ay may naramdaman akong tumabi sa akin.

"what's with the get up?" napa rolyo ang mata ko sa nagsalita. Amoy palang kilala ko na. Alam na alam ko ang cologne ng isang to. Ang hirap kasi kalimutan.

Tiningnan ko sya atsaka ngumiti "what's wrong with my get up? I feel confident kobe" sabi ko habang nilalabas na yung mascara ko sa bag.

"confident? You're wearing a super short skirt at pambatang damit and what's with the heels? di ka na ata makakatakbo jan" inis na sabi nito atsaka tinuro turo pa yung suot ko.

"excuse me, hindi ito pambata, crop top ito" inis na sabi ko, muka bang pambata itong crop top na to?

"still, parang bra na yang suot mo, and your make up? It's so thick, kelan ka pa matuto maglagay ng ganyang karaming make up?" Huminga ako ng malalim atsaka ulit sya binalingan.

"stop ruining my night kobe, ok" irap ko sa kanya at bumalik sa ginagawa.

"are you doing this for me?" kumunot ang noo ko sa sinabi atsaka natawa.

"'are you doing this for me?' gago, no" natatawa kong sabi sa kanya.

I saw him smirked "you really are desperate arisu, kaya hindi kita magustuhan" sabi nito kaya napatigil ako sa tawa atsaka sya tiningnan ng masama. Alam nya talaga kung paano ako paiyakin.

Tumayo na ito atsaka nag salita ulit "oh, bakit hindi ka makapagsalita, totoo naman diba? you're desperate kaya ganyan ang get up mo. You're trying to be someone na hindi naman talaga ikaw, stop pretending arisu muka ka lang bad chic on the outside but you're still a softie inside" umalis na ito sa harap ko at kinuha yung gamit atsaka lumabas na.

Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon