17

61 5 1
                                    



"ano? parating na ba? ang tagal naman nila?" naiinip na tanong ko kay noah. Umiinom sya ng gatorade sa tabi ko. 

 "maghintay ka nga arisu, parang di aabutan kay koko" inirapan ako nito kaya sinipat ko ulit yung relo ko. Bakit ang tagal nila? 

 "baka may dinaanan lang yon, eto namang si arisu parang di sanay na laging late si kobe" sabi naman ni pio na nagddribble pa sa harap ko.

 "edi sana itinext kayo ng isa sa dalawa diba?" Napatingin kami lahat sa nagsalita. 

"bakit ba minamadali mo nang makita sila?" nagtatakang tanong ni will na di kalayuan sa amin.

 "di pa ba obvious? it's because of koko..martin" sagot ni juan na ikinatawa naman nila. Nagsisimula na naman ang mga bwiset.

 "oo nga naman will, tama si juan...dela cruz na ginampanan ni coco martin?" nakangiti na pang aasar ang ibinigay ko kay juan. 

Nagtataka siguro kung sino si juan dela cruz. Nakita ko pa itong bumulong kay javi, siguro tinatanong kung sino si juan dela cruz. Netflix kasi pinapanood ng juan na yan kaya di makarelate. At si javi pa tinanong eh pareho silang walang alam kung sino si juan dela cruz, ang tanga.

 "yung asaran nyo sa isat isa, di naman nakakatawa pero matatawa ka nalang dahil sa mga ekspresyon nyo sa muka" hagikgik ni jun na pumalit kay noah, si jun na ngayon yung katabi ko.

 "bakit? ano ba ekspresyon namin?" walang gana kong tanong atsaka nilabas yung mani na binili ko kanina sa labas. 

 "lagi kang pikon tapos yung isa laging di alam mga pinagsasabi mo" natatawang paliwanag naman nya kaya tiningnan ko sya. 

 Napabuntong hininga ako "eh alam mo naman yan, basketball lang maasahan pero sa utak, linggwak"

 "ang sama talaga ng ugali mo arisu" natatawa naman itong si janjan na kauupo lang at inagaw yung maning hawak ko. Wala na kong nagawa nang pagpasa pasahan na nila yung mani ko, yung lalgyan nalang ang natira sa akin. Susunod di na ako maglalabas ng pagkain pag nasa paligid sila.

 "anak ng, ako pa masama ugali? eh ako nga binubully nyo araw araw, sana ok lang kayo" reklamo ko sa kanila. 

 "mga buraot" sigaw ko atsaka binato kay janjan yung lalagyan ng mani dahil sya yung umubos at nagpamigay akala mo sa kanya.

 "guys, di makakaattend ng training yung dalawa" Napatingin kami sa kakapasok lang, si jaydee. Kala mong kay layo ng tinutuluyan ng isang to. 

 Magtatanong na sana ako pero naunahan ako "bakit daw?" tanong ni noah."na aksidente sila" nanlaki yung mata ko sa narinig.

 "H-HA?!" napatayo ako sa gulat.

 "s-san sila dinala? buhay pa ba si kobe?" natatarantang tanong ko. Di pwedeng mamatay si kobe, di pa nga nagiging kami.

 "ang oa mo arisu, minor lang" sagot naman ni jaydee kaya nakahinga ako ng maluwag. 

 "ikaw nalang siguro magpunta kala ricci arisu, di rin kami makakaalis atsaka minor lang naman, malayo sa puso" natatawang sabi ni jun na katabi ko lang. 

 "sige, balitaan ko nalang kayo" tumayo na ako dala yung gamit ko.

 "ingat arisu"

 ¥¥

 "ano ricci, kamusta si kobe?" nag aalalang tanong ko ng makalapit ako kay ricci na inaasikaso ng nurse.

 "ok lang sya" sagot niya na hindi man lang ako tinitingnan. 

 Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi nya "mabuti naman" 

 "nasan nga pala sya?" tanong ko ulit pero hindi na ulit ito sumagot kaya nainip na ako.

 "ricci, nasan si kobe? kala ko ok lang sya?" naiinis na tanong ko. Nagpaalam na yung nurse kaya tumango lang si ricci. 

 "arisu, ok lang sya, umuwi ka na" nagtaka naman ako sa seryoso nitong pananalita at medyo kinabahan.

 "pero si kobe, ricci" makaawa ko sa kanya. 

 "ang kulit naman ni arisu" sapo sapo nya yung ulo nya, mukang stress. 

 "tinatanong ko lang naman si kob--" 

 "kobe, kobe, kobe. Puro nalang kobe! pvta, wala ka na bang ibang alam na pangalan bukod sa kobe?" napalunok at medyo napaatras ako sa biglang pagsigaw nito sa akin.

 "tuwing bubuka yang bibig mo, puro kobe ang lumalabas, naririndi na ko, naririndi na yung mga tao sa paligid mo" unti unti syang naglakad papunta sa akin kaya napapaatras ako. 

 "di ba sinabi ko na sayo na ok nga lang sya? ni hindi nga napuruhan, umuwi na sinundo na ni ana" humawak siya sa magkabilang balikat ko at inalog alog ako. 

 "r-ricci" sinubukan kong umalis sa pagkakahawak nya pero di ako makaalis.

 "kasama din ako sa na aksidente arisu, pero di mo man lang ako tinanong kung ok ba ako? ako tong napuruhan oh" nagmamakaawa nyang sabi kaya hindi ko maiwasan ang magtaka. 

 "a-ano bang problema mo?" naiilang na tanong ko sa kanya. 

 "ikaw ang problema ko!" bulyaw nito sa akin na ikinagulat ko. Binitawan nya yung magkabilang balikat ko atsaka tumalikod pero maya maya ay bumalik ang tingin nya sa akin.

 "kung hindi mo ko pinagppractisan na halikan tuwing nakakainom ka, hindi sana ako nagpapakatanga sa isang tangang katulad mo" napanganga ako sa gulat.

 Practisan na halikan? wala naman akong naaalala na naghalikan kami."anong practice? a-ako? hahalik?" tinuro ko pa yung sarili ko.

 "lasing ka non" mahina nyang sagot.

 "p-pasensya na di ko sinasadya, hindi na mauulit yon, kalimutan na natin yon" hinawakan ko pa sya sa braso.

 "ano bang hindi mo maintindihan arisu?" naiinis nyang tanong sa akin.

 "lahat, hindi ko maintindihan. Ano bang nangyayari sayo?" naguguluhan ako sa mga pinagsasabi. 

 "hindi ko alam kung nagtatanga-tangahan ka o tanga ka talaga, dapat pangalan mo tanga" uminit ang ulo ko sa narinig. Hindi ako tanga pero bakit tinatamaan ako? Na parang totoo.

 "hindi ako tanga ricci, tigilan nyo kakatawag sa akin ng tanga dahil hindi ako tanga!" bulyaw ko sa kanya. Tinitigan nya lang ako ng matalim. 

 Natahimik kami sandali at nagtitigan lang ng masama. Natawa ito ng sarkastiko."you're unbelievable arisu, I feel like a dog. Sabagay, gusto ko din naman kahit ganon yung nararam--pinaparamdam mo" di makapaniwalang sabi niya, hindi ko alam kung kanino nya sinasabi yon, sa akin ba o sa sarili nya. 

 Hindi na ako nagsalita at pinanood lang sya na nakatayo sa may bintana at pinapanood ang labas.

 "why does it hurt to love you arisu?"


<><><>

Happy 1k reads ! 

Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon