"Di ko lang maintindihan ha" nagtataka kong sabi habang nginunguya yung fishball na binili namin."alin" tanong naman nitong mga kasama ko habang kumkain din.
"teka" inubos ko muna yung pagkain sa bibig ko bago nagsalita ulit.
"bakit hindi ako magustuhan ni kobe? ano pa ba ang hindi nya makita sa akin?" tinuro ko yung sarili ko gamit yung stick.
"height daw" bulong ng isang demonyong itago nalang natin sa pangalang juan.
"tang ina naman ni juan" bumagsak yung balikat ko.
"bibig mo naman arisu" siniko ako ni ricci na syang katabi ko lang.
"ano bang problema sa bibig ko? puro nalang bibig ko nakikita mo no" natawa naman ang mga nagpapabigat sa mundong ibabaw.
"itikom mo kasi" eto na naman po tayo, pagtutulungan na naman nila ako.
"Im trying to prove a point here, nakakagago kayo" inirapan ko sila sa inis.
"ang ibig ko kasing sabihin maganda naman ako, pretty, bukod sa maganda't pretty, gorgeous din at beautiful pa, san pa sya makakahanap ng katulad ko diba?" kinindatan ko pa sila sa sinabi ko.
"yan ang isa sa dahilan kung bakit namin pinapatikom yang bibig mo" tinuro turo pa ko ni noah gamit yung stick ng fishball kaya umiwas iwas ako.
"nagtataka pa sya bakit daw pinapansin bibig nya, puro papuri sa sarili ang alam" umiinit ang ulo ko sa mga to, kaya ayokong makikipag kita sa mga to eh.
"tang ina nyo naman, minsan ko nalang puriin sarili ko mga epal pa kayo" nilagok ko yung samalamig ko na nakapatong sa gilid.
"ang confident mo naman kasi arisu, kaya ka siguro di magustuhan sobra hangin mo sa katawan" pinakalma ko ang sarili ko at baka di ako makapag pigil at tuhugin ko yung ulo ng mga to at gawing fishball.
"tama na yung isang maganda lang banggitin mo, hindi yung binanggit mo na yung lahat ng synonym ng maganda sa isang sentence lang" napakuyom ang kamao ko sa sunod sunod na asar nila sa akin.
"magtira ka naman"
"puro puri sa sarili, puriin mo naman kami"
"alam nyo, tang ina nyo" sa sobrang inis ko minura ko na sila. "kelan ba kayo sasang ayon sa akin? mga hangal"
"pag sumangayon kami parang nagsisinungaling na kami non diba" naparolyo ang mata ko sa sinabi ni juan at binato sya ng stick.
"lagi nalang kayong may sagot kahit di ako nagtatanong" singhal ko sa kanila.
"dapat talaaga di pinapakain ng fishball yan eh, pinag sasama yung maganda at arisu sa isang sentence lang." napatingin ako kay noah, kapal naman ng muka ng isang to.
"ang synonym ng beautiful ay arisu" paliwanag ko sa kanila.
"weh, sino may sabi?" di naniniwalang tanong ni will.
"sya malamang, mahilig mag imbento yan" siniko ko si ricci na tumatawa sa gilid ko.
"tara drink" nagulat ako ng may umakbay sa akin at kay ricci. Nang makita ko kung sino at narinig kung ano ang sinabi nya, tumango ako.
BINABASA MO ANG
Favorite Crime // Kobe Paras
FanfictionShe love him too early and he love her too late.