15

81 4 0
                                    



Mature Language


"Oh bakit ka na naman nandito? At ang aga mo pa ata ngayon" nagtatakang tanong ni Noah sa akin. Sinadya ko talagang maaga pumasok para naman maabot ko kay Kobe itong binake ko.


"Nagtaka ka pa eh palagi naman na maaga yan" sabat ni Will na nakasunod sa kanya.


"sya na nga ata nagbukas nito" natatawang sambit naman ni Pio. HIndi ko na pinansin ang mga pesteng ito.


"wala ka bang klase at dito ka nakatambay?" habol na tanong ni Noah habang nagpapalit ng damit sa gilid ko.


"wala, pupunta ba ako dito kung meron?" mataray na sagot ko dito.


Matapos kong mapahiya kay kobe at sa girlfriend nya nung nakaraang araw ay di muna ako nagpakita sa kanila para makalimutan nila at di na ako asarin pa. Kasalanan talaga ito ng taong kumuha ng ulam ko at ni Juan. 


"kahit naman may klase ka ay pumupunta ka pa din dito" napairap ako kay Pio. Si kobe ang hiniling ko kay Lord na maagang pumunta dito pero bakit ang mga pesteng ito ang nandito?


"nasan ba kasi si koko?" naiinip na tanong ko sa kanila halos 45 minutes na ako naghihintay dito kasama ang mga to na walang magandang gawin sa buhay kundi ang magdaldalan at mang asar.


"parang di ka pa sanay Arisu eh laging late yon simula nung naging sila nung babaeng yun" sagot ni will sa akin.


"bakit parang galit ka dun kay Ana?" nagtatakang tanong ko. Mukang balak pa ata akong agawan ng isang to kay kobe dahil nagseselos ito sa babae.


Magsasalita na sana ito pero inunahan ko " may gusto ka ba kay koko?" mapanuring mata ang ginawad ko sa kanya.


Natawa naman yung dalawa  at napatigil si Will "Ggo ka ba? di ko sasayangin kagwapuhan ko kay kobe. Sayo na si kobe, sayong sayo Arisu. Para makasiguro kang wala akong gusto kay kobe, ipapakasal ko pa kayo, ako na may sagot sa lahat ng gastusin"


"sinisigurado ko lang Will at sige aasahan ko yang sinasabi mo na ikaw ang may sagot sa gastusin namin sa kasal" ngumiti ako sa kanya ng nakakatakot kaya medyo napatras ito.


"ang weirdo talaga nito" napailing nalang si Will sa akin.


"Alam mo Arisu, hindi naman sa galit kami kay Ana. Para kasing nung dumating yang si Ana e wala nang time sa amin, sa atin si kobe. Atsaka kahit naman tanga ka kay kobe, mas gusto ka namin para sa kanya" napangiti ako sa sinabi ni Pio. May silbi naman pala ang mga ito kahit papaano.


'bakit ka nga pala nandito ng ganitong kaaga?" tanong ni Noah sa akin habang nagddribble sa harap ko.


"may ibibigay ako kay kobe" sagot ko sa kanya atsaka tinuro gamit ang nguso ko yung nakapaper bag sa tabi ko.


"parang ngayon ka lang ulit ata nagbigay sa kanya?" nagtatakang tanong ni will na tumabi kay Noah at umiinom ng tubig.


"lagi kasing may bantay si kobe kaya di ko maabutan" napakamot ako ng ulo sa inis ng maalala ko si Ana na laging nakabuntot pag pumupunta ako dito pag uwian na namin. Kaya ngayon mas maaga akong pumunta para mabigyan ko ng binake kong cookies si kobe. Kaya lang naman ako natutong magbake ay dahil sa kanya. Nalaman ko kasing mahilig syang magluto. Sinubukan ko din naman ang magluto ang kaso nga lang ay laging palpak dahil si Ricci na matakaw ang taga tikim ko kaya ayun tinigilan ko at nagbake nalang.


"sinabi mo pa, laging nakadikit kay kobe yon, parang di na magkikita sa mga susunod na araw" sabi ni will sa amin. Mas lalo tuloy akong nag ddoubt sa isang to pero hinayaan ko na dahil alam kong straight si kobe at hindi papatulan ang isang to atsaka minsan ko lang makausap ang mga ito ng matino, lubusin ko na.


"ano ba yang dala mo? kami nalang ang kakain dahil alam naman natin na ipamimigay lang ni kobe yan sa amin" binabawi ko na pala yung sinabi ko na nagiging matino sila kausap minsan.


"pwede ba--"


"You guys are early?" nagtatakang tanong nang kapapsok lang na Juan sa amin at kasunod nya nag kapatid na busy sa cellphone.


"something told us na maaga kami pumunta" nginuso ako ni Pio na lumapit na din sa amin.


"Arisu" nakangising bati sa akin ni Juan. Kainis, eto yung iniiwasan ko eh. Imbis na batiin pabalik ay inirapan ko lang ito.


"why are you here this early?" nakangising aso pa rin na tanong nya sa akin. Pero di ko pa rin sya sinasagot dahil dito sa lalaking ito ay napahiya ako kay Kobe at kay Ana!~


"nagtaka ka pa? of course she's here for kobe" sagot ng kapatid nya na nilalagay na yung bag sa isa sa mga bench. Sa dalawang ito halata naman na si Javi ang may utak.


Isa isa nang dumating ang peste at tinatanong kung bakit ako nandito ng ganitong kaaga at naunahan ko pa daw sila.


Nang namataan ko si kobe na papasok ay agad akong nag ayos ng sarili. Atsaka tumayo para hintayin sya. Hindi naman ito lumapit sa akin para magbaba ng bag kaya ako na ang nag adjust sa amin.


"here" nagtataka ako nitong tiningnan. Pero nakalahad pa din ang braso ko sa kanya para abutin nya yung paperbag. Syempre may sulat ulit yan.


"ah thanks" matipid ako nitong nginitian at kinuha yung paperbag at nilapag sa tabi ng bag nya. Ganon lang? di nya ako kakausapin ng mahaba? Di nya tatanungin  kung ano yung ginawa ko?


"teka" agad kong hinablot yung paperbag at naupo malapit sa bag nya. Agad kong binuksan yung paperbag at nilabas yung tupperware na may cookies.


"here, have a taste" nilapag ko yung tupperware sa pagitan ng bag nya at kung saan ako nakaupo.


Tiningnan lang ako ni kobe nang buong pagtataka pero ngumiti lang ako sa kanya at tinuro yung cookies.


"You don't want? I'll eat this nalang" may tumulak sa akin para maupo sa tabi ng tupperware. At sino pa ba ang makapal ang muka na gagawa non? Edi si Juan.


Nakita ko kung pano lantakan ni Juan yung cookies at si kobe naman ay tahimik na umalis. Nasense siguro nya na bubugbugin ko ang isang to.


Tumayo ako atsaka sinakal si Juan at niyugyog, nakalulon na pala ito ng tatlong cookies, ang takaw talaga "Ang ggo mong hayop ka! Alam mo ba na gumising ako nang pagka aga aga para sa mga puta na yan ha? Tapos ikaw lang pala ang makikinabang na bugok ka!"





Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon