2

93 4 0
                                    


"hello friends!" masayang bati ko sa kanila ng makapasok ako epsilon.

"friends ba talaga?" mapang asar na tanong ni ricci.

"edi hindi na friends, kasi jojowain ko pa yung isa sa inyo hihi" medyo kinikilig na sabi ko. Alam ko naman na rinig nya ko, syempre nilalakasan ko yung boses ko para aware na aware sya.

"may kaibigan bang kinaibigan lang para gamitin sa panliligaw?" tanong ni noah na nagsisintas ng sapatos mukang magsisimula pa lang sila.

"user ka pala eh" umekis pa si jun gamit ang mga braso nito.

"kakapal naman ng mga muka nyo, di nyo nga ako tinutulungan, kung tinulungan nyo edi sana kami na" sabi ko sa kanila.

"ayun eh, lakas talaga bumanat nitong si arisu, kaya boto kami sayo eh" natawa naman si will sa sinabi nito.

"che, mga nang uuto na naman kayo" inirapan ko nalang ito atsaka naupo malapit kay kobe. Pag talaga nandito ako nawawala daldal nya.

"ay james, eto pala yung jersey mo, nalaundry ko na yan" sabi ko ng maalala ko yung nangyari nung isang araw. Inabot ko sa kanya yung jersey na nasa paperbag.

"ay, juan tomorrow nalang yung jacket mo, di pa sya tuyo eh" sabi ko dito, ang kapal kasi ng tela nung jacket nya kaya medyo basa pa.

"keep it nalang" bale wala nitong sabi.

"ha? e nilaban ko naman, malinis naman yon" akala ba nya di ako malinis na tao? nakakasakit minsan ng damdamin tong teammates ni kobe, kundi lang kayo teammates ni kobe di ko papansinin tong mga to, kaso kailangan din para dagdag points kay kobe.

"just keep it risu, wala naman akong sinabi na dirty yon" masungit na sabi nito sa akin. Parang kobe din itong isang to, pero mas masungit si kobe.

"mariele teka lang" sabi ko habang habol habol yung kaklase ko, ang dami kong dala tas iiwan ako.

7 na kasi ng gabi, kung di ako tumambay kanina ng sandali don kala ricci edi sana tapos na ako ngayon.

Hinabol ko si mariele na mabilis na naglalakad, nagmamadali kasi ito dahil gabi na at di pa kami kumakain.

"aray ko" nasabi ko nalang sa sarili ko ng matalisod ako at madapa.

Tiningnan ko yung nagkalat na mga gamit at papel sa kalsada. Napaiyak nalang ako sa kamalasan ko.

Tiningnan ko si mariele na dire diretso sa paglalakad at di na ako napansin atsaka bumaling yung tingin ko sa tuhod ko na dumudugo.

Umiiyak na pinulot ko yung mga gamit ko hanggang sa makarinig ako ng busina.

"anong nangyari sayo?" tanong ni ricci na syang nasa manibela, nakababa ang bintana at nagtatakang nakatingin sa akin.

Di ko ito pinansin at umiiyak na pinulot yung mga gamit ko.

"si arisu, umiiyak" rinig kong sabi ni ricci, mukang may nagtanong na kasama nya sa kotse.

Narinig ko naman na may mga bumaba at tinulungan ako sa pagpulot ng mga gamit.

Nang matapos kami atsaka lang ako nag angat ng tingin sa mga tumulong sa akin. Si ricci at juan.

"clumsy ka na nga, ang iyakin mo pa, dinadagdagan mo lagi yung mga ayaw sayo ni kobe" natatawang sabi ni ricci habang ginagamot yung sugat ko sa tuhod.

Mas lalo akong naiyak sa sinabi nito na mas lalong ikinatawa nya "why are you walking alone with hands full of things and in those shorts" seryosong tanong ni juan na syang katabi ko pang at pinapanood kami ni ricci. Nasa labas kasi kami ng 7/11 dahil bumili ng panlinis ng sugat si ricci.

"may tinapos lang kami" sagot ko sa kanya. Pinunasan ko yung luha gamit yung likod ng palad ko.

"I'll put alcohol na ha" pagwawarning ni ricci.

"t-teka, wag ko ng lagyan, betadine nalang" pigil ko dito ng akmang lalagyan na nya yung sugat ko.

"hihipan ko naman tsaka baka may mga bacteria dapat maalis sila" paliwanag nito tsaka niya nilagyan at mabilis na hinipan. Maya maya lang ay nawala na yung hapdi.

"next time kasi pag naka turn on yung pagiging clumsy mo, mag pants ka ha" natatawang sabi ni ricci.

"bakit nga pala kayo napadaan don?" tanong ko sa kanila, ihahatid na kasi nila ako sa apartment.

"may dinaanan lang kami" napatango na lang ako dito sa backseat.

"salamat ulit sa inyong dalawa" sabi ko habang kinuha yung mga gamit ko.

"you need help?" tanong ni juan. Umiling naman ako.

"sige, baka ipantay mo pa yung sugat mo, tama na yung isa" asar ni ricci sa akin. Kung di lang ako tinulungan nito ay baka pinalo ko sa kanya yung mga dala ko.

"oh, arisu kailangan mo ba ng wheelchair? nagsemplang ka daw" tanong ni janjan ng makalapit ako sa kanila.

Tiningnan ko naman yung tuhod ko na may bandage. Di ako nagpants kasi maiipit yung sugat at tiyak na masakit yon.

"anong semplang? nadapa lang ako" ang oa talaga magkwento ni ricci.

"umiyak ka pa nga daw e, iyakin ka pala" di ko alam kung nagtatanong lang itong si jun o nang aasar.

"iba iba kasi tayo ng pain tolerance" paliwanag ko sa kanila. Tinabi naman ni david yung bag nya para makaupo ako.

"ano mas masakit, kay kobe o iyan?" nakangiting tanong ni ricci.

"kay kobe" natahimik naman sila kaya tiningnan ko si kobe na nagcecellphone lang pero alam ko naman na rinig nya kami.

Ngumiti ako sa kanila "joke lang, kayo naman etong sugat malamang. Hindi naman ako sinasaktan nyan. Mas ginaganahan pa nga ko kapag sinusungitan ako nyan, mas naiinlove ako"

"may sayad na to, tara na nga at makapagtraining na" aya ni will sa kanila.

"oh" sabi ni ricci habang nilalagyan pa ng kanin yung plato ko.

Nasa karinderya kasi kami ngayon, aapat lang kami dahil yung iba mga pagod daw at hindi sumama ang masungit na kobe.

"parang mas boyfriend mo si ricci kesa kay kobe" sabi ni javi.

"hindi ah, mas boyfriend ko si kobe"

"sa panaginip" epal naman ni ricci habang kumakain.

"you really like kobe no?" javi asked again.

"love javi, hindi like" sabi ko dito.

"pano pag ayaw talaga ni kobe sayo?" tanong ni ricci kaya napatigil ako.

"ipipilit natin yan ricci, hindi pwedeng hindi si kobe ang endgame ko"

Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon