12

84 5 1
                                        


"nawrong send lang arisu, eto talaga parang ewan" tinulak ni juan ang nangingisay kong katawan sa kilig. 


"shut up, imposibleng mawrong send sya nakalagay kaya name ko sa contacts nya" sabi ko sa kanila habang nirereplyan si kobe.


"mama nya, si Ana at ikaw lang ata ang babae sa contacts nya" hindi siguradong sabi ni Noah.


"dahil sa sinabi mo mas lalong posible na hindi sya nawrong send. Tatlo lang pala kami kaya kitang kita nya kung kanino nya isesend" mas lalong lumaki yung pag asa ko na di sya nawrong send.


"nandon lang naman number mo sa phone nya dahil you stole his phone and put you it there" javi told everyone at napatango naman ang lahat. Naalala ko tuloy yung time na ninakaw ko sandali yung phone nya para lang ilagay yung number ko.


"atsaka halatang ikaw naglagay ng number mo, 'arisu, my moon and sun' nilagay mo, nakahithit ka ba?" tinulak naman ni jun si will dahil sa sobrang tuwa sa narinig.


"kaya itigil mo na kaka asa arisu, sinendan lang ng 'im on my way sa gym' tumakbo ka na dito" napanguso ako sa narinig.


T'ngna talaga ni Kobe, napaka paasa. Hindi na kasi ito nag reply matapos kong replyan kanina. Baka busy o baka...di talaga para sa akin yung messsage.


"it's for his girlfriend arisu" nang asar pa si juan na parang umiiyak.


Nanahimik na ko matapos yon, nawalan tuloy ako ng gana sa narinig. Kahit gantong kaliit na kasiyahan ayaw ako pagbigyan. 


"atsaka ikaw arisu, tigil tigilan mo kaka aligid kay kobe, tinatanong kami ni Ana kung ka-ano ano ka daw ba ni kobe" Paalala ni Jun sa akin na di ko pinansin.


"tigas talaga ng ulo mo, pag nag away yung dalawa na yun" paalala ni will na syang nakatingin sakin na parang hinuhusgahan ako.


"edi mabuti" sagot ko atsaka tumayo na sa kinauupuan ko para iwan sila.


"sinasabi ko sayo arisu, magtino ka" medyo malakas na sabi ni jun kaya napa irap ako.


"hayaan mo, para maghiwalay na sila" malakas kong sabi bago makalabas ng epsilon.


"psst, bakit ka naglalakad?" rinig kong tanong nung katapat kong kotse.


"wala akong masakyan" sagot ko dito na di tinatapunan ng tingin.


"tara, hatid na kita" napahinto ako para kausapin tong palaka na to.


"ayoko" sambit ko at nagpatuloy ulit sa paglalakad pero napahinto ng makita ang kasama nito. Agad akong bumalik sa tapat ng bintana nito at ngumiti. Nakita ko naman na umismir ang lalaki.


"san ba kayo pupunta?" tanong ko kay ricci na malaki na ang ngiti. Nakuha na naman ako ni ricci.

Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon