8

87 4 4
                                    



"arisu? sinong kasama mo?" nagtatakang tanong ni ricci sa babae ng makalapit ito. Nang matanaw kasi nitong si ricci si arisu di kalayuan ay nilapitan na nya ito.

"rishi my beshtesh friend, you're he....re!" masayang sabi naman ni arisu atsaka niyakap pa niya si ricci. Kamuntik na nga silang magtumba dahil hindi na halos makatayo si arisu.

"what are you doing here? are you alone?" ricci asked arisu habang tinutulungan nya itong maglakad papunta kung nasan ang ibang kaibigan.

Hindi na iniwan ni ricci ang babae dahil lasing na ito at baka kung ano pang masama ang mangyari.

"arisu? anong ginagawa nyan dito?" tanong ni Noah atsaka tumayo para tulungan si ricci na alalayan ang babae.

"kala ko ba di umiinom yan?" takang tanong ni juan habang hawak ang bote ng alak nya.

"hoy.....ikaw nung....nakaraan ka pa" tinuro turo pa nya si juan "panay ang ashar mo shakin.....shanay akong uminom.."depensa ni arisu sa sarili.

"kung shanay ka....shana hindi ka pa lashing" asar ni juan dito na kinopya pa ang pananalita ni arisu.

"kanina pa...kashe ako di..to" akmang lalapitan na ni arisu si juan para hampasin pero pinigilan naman sya ni ricci na katabi.

"nashan shi..kobe" bulong ni arisu kay ricci. Napalunok naman si ricci sa sobrang lapit nito sa kanya.

"anjan lang" di makatingin na sagot ni ricci kay arisu. Ayaw naman niyang saktan si arisu kahit lasing, alam nyang kasama ni kobe ang girlfriend kaya sana wag munang bumalik si kobe sa lamesa nila para di makita ni arisu.

"hoy" sabi ni arisu atsaka hinawakan ang pisngi ni ricci at pinaharap ang tingin nito sa kanya "pag kinakaushap...kita, tingin ka sha..mata ko.. ok!" tumango tango naman si ricci, halatang di komportable sa posisyon.

"pogi ka shana.. kasho mash pogi...si kobe.." tinapik tapik pa nito ang pisngi ni ricci atsaka natawa.

Lumagok ng alak si ricci sa narinig 'puro nalang kobe ang bukangbibig'

Inabot naman ni arisu ang nakakalat na alak atsaka ininom ito. "gago ka talaga, tama na" inagaw ni noah yung hawak na alak ni arisu.

"wag ka..nga nakikie..lam" inagaw ni arisu ang alak mula kay noah. Napailing naman si noah habang pinapnood itong ubusin ang laman na alak.

"hayaan mo siyang magising bukas ng masakit ang ulo, tiyak na di uulit yan" sabi naman ni jun habang pinapanood lang sila.

Mukang hindi ata dininig ang dasal ni ricci nang dumating si kobe na nakaakbay pa sa kasamang girlfriend na si Ana. Napamura ng mahina si ricci ng makitang nakatingin si arisu kay kobe at sa girlfriend nito. Sinubukan niyang takpan ang mata nito pero marahas na tinanggal ni arisu ang kamay ni ricci na humaharang sa mata nito.

"oh, who's she?" turo ni ana kay arisu na masamang nakatingin sa kanila.

Magsasalita na sana si arisu nang takpan ni ricci ang bibig nito "g-girlfriend ko, si arisu" pilit namang tinatanggal ni arisu ang kamay ni ricci sa bibig nya. Nagtagis ang bagang ni kobe sa narinig.

"oh, Im Ana, kobe's girlfriend" nagtatakang pinapanood ni Ana si arisu at ricci.

"don't worry ganyan talaga sila maglambingan" natatawang sabi ni juan at siniko naman sya ng kapatid.

Inalalayan ni Ricci si Arisu na makatayo habang hawak pa rin nito ang bibig nya. "una na kami" paalam ni ricci. Pinanood lang ni kobe na umalis ang dalawa.

Tinanggal lang ni Ricci ang kamay nito sa bibig ni arisu nung nasa kotse na sila.

"matulog ka muna" sabi nalang ni ricci dahil kanina pa hindi nagsasalita si arisu.

"ang sakit" napatingin si ricci kay arisu na umiiyak. Hindi naman nya napansin na nagising ito o gising sya kanina pa.

"sobrang sakit" pagpapatuloy pa ni arisu.

Tahimik lamang na nagddrive at nakikinig si ricci dito. Ano nga ba ang sasabihin nya? nasabi na nya lahat ng pangaral sa kanya kapag hindi ito lasing pero hindi naman nakikinig.

Hindi na muli nagsalita si arisu hanggang sa makarating ito sa apartment na tinutuluyan ng babae.

Inalalayan naman ulit makababa ni ricci ang babae "dahan dahan, baka bigla kang matalisod"

"mag iingat pa, nasaktan na ko" sarkastikong natawa si arisu. Masakit pa rin ang ulo at di na halos makatayo pero nakuha pa nitong magbiro.. pero hindi naman talaga biro dahil totoong nasasaktan sya. Hindi nya alam kung bakit naging ganitong kalala yung nararamdaman nya para kay kobe.

"nasan ba yung susi mo?" tanong ni ricci nang makarating sila sa harap ng pintuan ng apartment.

"pot" mahinang bulong ni arisu.

"ano? bra?" tanong ni ricci na may halong kaba.

"pot" ulit muli ni arisu.

"ah paso, lakasan mo kasi, pinapakaba mo ko" napangiti naman si arisu sa narinig.

"Tumayo ka lang jan, kukunin ko sandali" sabi ni ricci habang isinasandal si arisu sa pader.

Nang mabuksan na yung apartment ay agad na dinala ni ricci si arisu sa higaan nito.

Nang maihaga na ni ricci si arisu ay tinanggal na nya ang heels na suot nito.

Nag stretch pa si ricci bago kumutan ang babae, 'ang hirap alagaan ni arisu pag lasing' naisip nya habang tintitigan ang muka nito pero napangiti naman sya. 'pero cute'

"ricci" nagulat naman si ricci ng magsalita si arisu.

"b-bakit?" nauutal nyang tanong, iniisip kasi nya kung nahuli ba syang pinagmamasdan ang babae.

"axidklsmbh"

"ano? di oo maintindihan, alien ka ba?" nagtatakang tanong nito dahil bukod sa mahina ay hindi nya maintindihan ang sinasabi.

Mas nilapit pa ni ricci ang tenga nya sa bibig ni arisu.

"kiss me" bulong nito na nagpahinto kay ricci.

Nang tingnan nya si arisu, nakatingin na ito sa kanya. Dahan dahan lumapit si arisu kay ricci na di pa rin makamove on sa sinabi ni arisu.

Hindi na nakapagsalita o nakagalaw si ricci ng dumampi na ang labi ni arisu sa labi nya. Mas lalong hindi sya makagalaw sa nangyayari. Nang lumayo si arisu sa kanya ay tsaka lang sya nagising.

"a-arisu" damang dama ni ricci ang lakas ng tibok ng puso nya habang tinitingnan si arisu na bumabalik na sa pagtulog, nginitian pa ni arisu si ricci bago humimbing.

Naalala tuloy ni ricci yung sinabi ni kobe sa kanya, baka imbis na si kobe ang madali, sya ang nadali ni arisu.

//

Happy 100.

Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon