Tiningnan ko lang ito ng may halong pagtataka. Bakit naman bigla na nya gustong umuwi? Kanina lang panay ang lagok nito ng alak tapos ngayon ako pa ang gusto nitongbayain umuwi? Hindi ba nya nakikita na may kausap ako? Kahit kelan talaga ang lalaki na ito!"Ayoko" umirap ako dito at binalik ang tingin sa kausap ko na nagtataka na din.
"You know him?" Tanong ni Dwight sa akin, gusto kong umiling na hindi pero nakausap ko na kasi, hay bobo ko talaga.
"He's my ex" I giggled when I said that, mas lalong nagtaka si Dwight at tiningnan ko naman si Kobe na naka kunot ang noo.
"Joke lang eto naman, nakakunot agad ang noo" natatawang asar ko dito pero ayaw ko pa rin umuwi, may bago akong kachikahan kaso in english nga lang.
Narinig kong bumuntong hininga si Kobe sa gilid ko pero di ko pinansin, pabayaan mo sya. Ang sabi ko ako ang mag aaya umuwi hindi sila.
"Mamaya na ako uuwi, makikipag chikahan muna ako sa new found friend ko" kinindatan ko si Dwight, di talaga maipaliwanag ang emosyon sa kanyang muka. Naguguluhan na ewan sya dahil siguro sa tagalog words.
"Wag ka nang makulit Arisu, wala nang maghahatid sayo kung mamaya ka pa uuwi dahil lasing na sila Jaydee" matigas na sabi nito pero di ko pa din pinakinggan at nanatiling nakatingin kay Dwight na takang taka na talaga sa mga nangyayari.
"Edi kay Dwight ako magpapahatid. Diba Dwight" sinenyasan ko ito na tumango kaya dahan dahan na tumango pa rin ito. Sa totoo lang kahit naman na kaibigan sya ni kuya Thirdy ay medyo di ko pa rin ito pinagkakatiwalaan dahil hindi porket pogi ay mabuting tao na. Ayoko lang talaga makasama si Kobe sa iisang kotse at masusuffocate ako.
"You're being makulit Arisu!" Naiinis itong umupo sa kabilang tabi ko at taka ko itong tiningnan. Ano ba problema nito? Hindi ba sya nakakasense na ayaw ko sumama sa kanya? Masyado kang mapanakit Kobe, isang linggo sinubukan kitang alisin sa isip ko pero ang tigas mo at doon ka pa tumira. Eto na nga lang yung time na nakakalimot ako sayo kahit konti tapos kukunin mo pa. Napaka makasarili mo.
Mas lalo akong tumalikod sa kanya at kay Dwight lang tumingin, halata siguro sa muka yung inis kaya napataas ang kilay ni Dwight asking kung ok lang ba ang mga nagyayari.
"You're gonna play this season?" Masiglang tanong ko kay Dwight at hindi ko na pinansin si Kobe sa likod ko. Bahala syang mainip jan sa kakahintay.
"Yeah" tumango ito atsaka uminom ng alak na hawak nya, uminom din ako ng tubig pero pinapakiramdaman ko din si Kobe sa likod ko kung nakaalis na.
"Alam mo ba may ichichika ako sayo" medyo lumapit ako ng konti kay Dwight para ibulong. Mukang di nya nakuha ang ibig sabihin ko. Ano ba yan, pano kami magkakaintindihan kung di sya maalam mag tagalog, nasa pinas pa man din sya tsk. Kala ko malala na si David, Bright at James hindi pala. Yung tatlong yon ay kahit papano nakakaintindi ng tagalog.
Sinenyasan ko ito na lumapit kaya lumapit ito kaso masyadong malapit at naiintimidate ako kaya bahagyang lumayo ako. "Ateneo will lose to U.P" natawa ako matapos kong sabihin yon. Umasim ang muka ni Dwight sa narinig "you wanna bet on that Arisu?" Medyo may pang hamon nitong tanong. Im stating facts Dwight.
"U.P is stronger than ever!" Pagmamalaki ko dito, Dwight just smirked talagang hinamon ko sya sa laro na di naman ako kasali. Bahala na sila Jun magdeal sa mga blue eagles HAHA.
"Let's make a bet. If U.P win, you can ask me anything you want and if we win, I'll ask you too" dahil alam kong mananalo ang U.P, tumaya ako.
"Deal" nag labas ako ng pinky at sya naman ay gustong makipag kamay pero dahil pinky ang gusto ko iyon ang ginawa namin. Laki ng kamay nitong si Dwight hehe.
Tumingin ako kay Kobe na nakatingin sa amin " make sure na mananalo kayo sa finals dahil nakataya ang buhay ko dito kay Dwight" sabi ko dito, tiningnan lang ako nito, sungit talaga.
Bumaling ako kay Dwight "I want to have a gossip date with you" diretsang sabi ko dito.
"I don't gossip" maikling sagot nito sa akin. Halata naman na hindi ito mahilig sa ganon pero gusto ko sya ikeep as a friend.
"Weh, bili na kasi. I'll tell you the strategies of U.P" natawa ako sa sinabi ko "Arisu" matigas na sabi ni Kobe. Narinig ata ako, niloloko ko lang si Dwight naniwala naman tong si uto uto.
Napangiti si Dwight, di ko alma kung naniwala din sa strategy part pero hindi ko sasabihin yon sa kanya edi natalo ako sa deal namin.
"Alright, when and where?" Yes! Napapayag ko.
"Itetext ko nalang sayo, ay wala nga pala akong number mo" paraan ko din ito para makuha ang number nito.
"I don't remember my number but you can contact me on my socials" paliwanag nitonkaya tumango ako at nilabas pa din ang cellphone ko.
"Type your username gossip boy" sinamaan ako nito ng tingin pero tinype pa din nya ang user nya sa instagram. Dito kasi ako madalas naglalagi.
Finallow ko agad sya at nagscroll pababa para istalk na din. Baka kasi mamaya ay may girlfriend ito tapos pinipilit ko pa makipag gossip date.
"Follow back mo ko ha" paalala ko dito atsaka bumaba sa mataas na upuan na kinauupuan ko. Tumango naman sya.
"Alright, I'll go ahead na" lumapit ako dito para bumulong " my boyfriend is waiting for me" tsaka ko sinenyas si Kobe na bagot na bagot na sa kakaintay. Buti nga di ko sya pinag intay ng matagal eh, pasalamat sya, mahal ko sya.
Nag peace sign ako kay Dwight para sabihin na nagbibiro lang ako. Kumaway ito kaya sign na talaga para maglakad na paalis, naramdaman ko naman na sinundan na ako ni Kobe. Nakalimutan ko silang ipagkilala sa isat isa, sayang naman.
Imbis na papalabas ang daan ko ay bumalik ako sa table nila para alamin kung ano lagaya nila.
"Ang timawa nyo sa alak" inis na sabi ko sa kanila, iilan nalang ang gising sa kanila at matino.
"Magsi uwi na nga tayo"
BINABASA MO ANG
Favorite Crime // Kobe Paras
FanfictionShe love him too early and he love her too late.