Mature language
"Hi boys" maligayang bati ko habang papasok ng epsilon. May nagpapahinga at may nagkukwentuhan, ang iba naman ay nag ttrain pa.
Nang makalapit ako ay agad na tumayo si Ana at sinampal ako "ouch, ano bang problema mo?" tanong ko habang hawak yung pisngi na sinampal nya. Ang sakit, feeling ko tuloy di ko na kailanagn magblush on sa sampal ng babaeng to.
Naalarma naman ang iba kaya nagsitayuan sila. "you wh0re, tigilan mo paglandi sa boyfriend ko"
"sino bang boyfriend mo?" mataray na tanong ko sa kanya. Hindi pa rin ako makapaniwala na girlfriend ito ni kobe.
"nagkukunwari ka pang gaga ka, ikaw nga itong habol nang habol sa boyfriend ko na ayaw naman talaga sayo" Napangisi ako sa sinabi nito. Feelingerang to akala nya sila na hanggang dulo, nandito pa ko.
"ah, sya ba?" tinuro ko si kobe na nasa likod lang nya at nakahawak sa braso nito, sinundan naman nya ng tingin si kobe.
"kanino ka pa ba desperada? eh diba sa boyfriend ko?" mataray na sagot nito sa akin, hinila sya ni kobe para awatin ito. Palengkera pala ang babaeng to, eto ba ang nagustuhan ni kobe sa kanya? Kailangan ko rin bang maging palengkera?
"di ko naman nilalandi yan" ngisi ko sa kanya.
"kapal talaga ng muka mong mAlandi ka eh ikaw tong text ng text sa kanya" sinugod nya ako atsaka hinila yung buhok ko at ako naman dahil nag init ang kamao ko sa narinig ay hinila din yung buhok nya. Naramdaman kong may nakahawak sa bewang ko at inilalayo ako mula kay Ana na syang kasabunutan ko.
Nang unti unti kaming mag layo ay pinagpapalo ko ito ng ilang beses hanggang sa magkalayo na kami.
Nagpumiglas ako sa taong nakahawak sa akin pero di naman ako makawala.
"MalAndi kang hip0krita ka, layuan mo boyfriend ko, hindi lang yan ang matitikman mo sa akin" galit na galit nyang sigaw sa akin habang sinusubukan makawala sa hawak ni kobe.
"ah malandi? eh sino kaya yung nakita kong may kahalikan sa club nung isang gabi? Kamukhang kamukha mo Ana" nakangiting nang aasar na sabi ko sa kanya. Kala nya siguro ay walang makakakita sa kanya nung gabing yon.
Natigilan naman siya "galing mo naman gumawa ng kwento, humingi lang ako ng closure kay Anton" nangungumbinsing paliwanag nito dahil unti unting binitawan sya ni kobe.
"is it true?" mahina pero seryosong tanong ni kobe. Napa ismir ako.
"sasabihin ko naman sayo, pero closure lang naman iyon" napataas yung kaliwang kilay ko ng maramdaman kong medyo lumuluwag na yung hawak sa akin.
"ngayon lang kayo nagka closure? baka naman may nararamdaman ka pa kay Anton nung naging kayo ni Kobe" sabi ko ng makawala ako sa hawak nung tao dahil di ko pa kilala kung sino ang may hawak sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/278428639-288-k642905.jpg)
BINABASA MO ANG
Favorite Crime // Kobe Paras
FanfictionShe love him too early and he love her too late.