"hoy arisu, bakit naninigarilyo ka" sa pagkataranta ko ay naubo ako ng ilang beses."magsisigarilyo ka pero uubo-ubo ka jan?" natatawang tanong ni noah. Nagsimula naman silang mag indian seat sa harap ko.
"nagpractice na nga ako kagabi, ewan ko ba di ko maperfect" halos mamatay na nga ako sa isang kahang sigarilyo kakapractice kagabi.
"pinapractice mo pa yan? may sayad ka ba? kinareer mo talaga yang katangahan mo" inirapan ko naman si jun, kahit kelan talaga hindi matatahimik ang kalukuwa't love life ko pag nasa paligid tong mga to.
"binigyan ka lang ni lord ng konting oras para maging tanga, nilubos mo naman, wala ng next year?" sabat naman ni will habang nilalabas yung nakaplastic na ewan.
"bakit ba kayo nangingielam? at bakit kayo nandito?" tanong ko sa kanila, hindi na ako muli nanigarilyo.
"sinasamahan ka" sagot naman ni juan na nakatayo pa din at kumakain ng sandwich. Apat lang kasi silang nandito.
"nasa smoking area kayo, ok lang kayo?" tinuro ko pa yung puno sa likuran ko na may nakalagay na smoking area.
"bulag ka ba? no smoking area to, di porket may sigrilyo na nakadrawing smoking area na, sana ok kalang arisu" tinuro pa ng ilang beses ni jun yung nakasulat sa may puno.
Napabuntong hininga naman ako "shit, kaya pala ako tinitingnan ng mga tao"
"naging bad ka lang, pati utak mo bad na din" sinamaan ko ng tingin si juan. Di talaga magiging payapa ang mundong kinagagalawan ko.
Pinatay ko na yung sigarilyo na kanina ko pa hawak.
"di kadaw pumasok?" kumunot naman ang noo ko sa tanong ni noah.
"kanino mo naman nalaman yan?" takang tanong ko. Mag hapon kami di nagkita ng mga to.
"ricci" maikling sagot ni will. Naparolyo naman ako ng mata at di na nagtanong kung pano nalaman ni ricci.
"nagppractice ako" maikling sagot ko sa kanila atsaka sumandal sa puno.
"ng?" tiningnan ko sila na naghihintay ng sagot atsaka tinuro yung patay na sigarilyo gamit ang nguso ko.
"smoking?" nanlalaking matang tanong ni juan. Natawa naman ako sa reaksyon nya.
Napailing naman si jun sa sagot ko "masyado mong sinisira buhay mo para kay kobe, baka sa susunod drugs na practicin mo"
"di ako ganoong katanga" inirapan ko sila atsaka nag cross arms.
"pero tangang tanga kay kobe" narinig kong bulong ni will kay noah, bumungisngis naman silang dalawa.
" ang sasakit nyo magsalita" bulyaw ko sa kanila.
"kahit naman anong salita gawin namin sayo di ka nakikinig" tumango tango sila sa sinabi ni jun.
"ay, nga pala nung nagclub ako nung isang gabi at nakita ako ni ricci at dinala sa table nyo, ano nangyari pagkatapos non?" hindi ko pa kasi nakikita si ricci simula nung gabing yon, tatanungin ko sana kung anong kagagahan ginawa ko dahil wala akong masyadong maalala.
Nagkibit balikat naman sila "pag drunk ka, nag iiba salita mo" natatawang sagot naman ni juan.
"'hindi penga aku lesheng'" panggaya pa sa akin ni noah na syang ikinatawa nila ni will.
"ano nga ba talagang nangyari kagabi?" tanong ni jun, napabuntong hininga ako ng makailang beses ngayong oras na ito dahil sa mga abnormal na to.
"hindi ko nga alam, kaya nga tinatanong ko sa inyo diba" nakakahilo silang kausap, kahit kelan hindi ko sila nakausap ng matino.
"speaking of.. kunsintidor" sabay sabay kaming napatingin sa paparating.
"what is tinidor?" rinig kong bulong ni juan kay noah na nagkibit balikat lang.
"go ask him na" nginuso pa ni will si ricci na papalapit.
"masakit pa rin ulo mo?" bungad na tanong ni ricci sa akin.
"kahapon pa yon ng umaga ricci, hindi naman isang linggo ang hang over" epal naman ni noah na kala mo sya yung tinanong.
Pag talaga kasama ko tong mga abnormal na to, hindi ko talaga maiiwasan ang bumuntong hininga, umirap o kumunot ang noo. Nagkakawrinkles na nga ata ako at sila din ata ang nagbibigay sa akin ng stress.
"si kobe?" nakalimutan ko na yung itatanong ko ng maalala ko si kobe. Hindi ako nagpakita ng isang araw, nagpapamiss ako.
"si ricci di mo hahanapin?" nakngiting tanong ni juan.
"hahanapin eh anjan na sa harap ko" inis na sagot ko dito. Bakit tinatanong pa yung mga obvious?
"oo nga naman nasa harap mo na naghahanap ka pa ng iba" mas lalo atang sasakit ang ulo mo pag kinausap mo itong mga to.
"si kobe ang hinahanap ko mga letse, ang gulo nyo kausap" napasabunot na lang ako sa sariling buhok.
"ganyan talaga pag natatanga sa pag ibig, natatanga din sa paligid" bulong ni will kay noah pero siniko ni noah si will dahil nakita niya ako na nakatingin sa kanila.
"eto akala mong girlfriend kung makahanap kay kobe, eh di naman pinapansin" naghagikgikan naman ang mga abnormal. Masayang masaya sila kapag naasar nila ako.
"parating na ko don, di kasi kayo naniniwala sa akin" nagpakita pa ako ng muscle na wala naman talaga.
Natawa ulit sila kaya mas lalong nag init yung ulo ko "naunahan ka na arisu, nasa finish line na yung isa, nakuha na nga yung prize eh, ikaw tumatakbo ka pa din"
"di ba nga sabi ni paul desiderio 'atin to'? pag sinabi nyang atin to, akin si kobe" paliwanag ko sa kanila.
"huh?" sabay sabay silang nagtaka sa sinabi ko. Mahihina kasi mga pumick up to, sa basketball lang magaling.
"ang layo nung sinabi ni paul sa sinabi mo arisu" napakamot na lang si jun sa ulo nya. Sa taas.
"ang sabihin nyo ayaw nyo lang intindihin o talagang di kayo makaintindi" sumabog na ako sa galit lagi silang may paraan para galitin ako.
"easy lang arisu" natatawang sabi ni juan, sinamaan ko lang ito ng tingin.
"ganon ka rin naman pag pinagsasabihan ka ah" lagi talaga silang may sagot sa mga sasabihin ko, kahit hindi naman tanong.
"halika na nga" tumayo si ricci atsaka ako hinila, sumama na ako at baka masapok ko lang ang mga to.
"tigas talaga ng ulo" rinig ko pang sabi ng isa sa kanila bago kami umalis.
"nakikipag usap ka kasi sa mga yon e ikaw nga tong pikunin" naparolyo ako ng mata sa sinabi ni ricci.
"hayaan mo, kahit naman pikunin ka tanggap ki--ka ni kobe"
Biglang nagliwanag yung muka ko sa narinig, basta talaga pangalan ni kobe nagbabago mood ko pero bumalik din sa dati dahil sa naalala ko.
'Ayaw ni kobe sa mga pikunin'

BINABASA MO ANG
Favorite Crime // Kobe Paras
FanfictionShe love him too early and he love her too late.