Mature Language
"Tang ina, hindi naman pala bad girl eh" inis na sabi ko nung makaupo ako sa lamesa nila.
"si arisu naman, yung bibig" sinamaan ako ng tingin ni ricci pero di ko na ito pinansin.
"sino ba kasi nagsabi na bad girl?" tanong ni noah habang hinahalo yung halo halo niya.
"sya, sino pa ba" turo sa akin ni jun. Nirolyohan ko lang ito ng mata.
"di naman kasi kayo nagsalita nung sinabi ko kaya nag assume ako na bad girl nga yung babae" inirapan ko sila, ang hina talaga ng mga to kahit kelan.
"malay din namin, nito lang namin nalaman" sagot ni ricci. Di naman sa maria clara pero yung ayos nya ay masasabi ng maria clara. Oo na maganda, pero pasok ba sa ugali?
"nung tiningnan ko yung social media nya, nakita ko yung mga post nya na pictures, mga bad girl concept" paliwanag ko sa kanila.
"baka nagbago na" suhestyon ni javi. Wala talagang matinong kausap sa mga to.
"gago ka ba?" naiirita kong tanong, nagkibit balikat lang ito.
"si arisu naman" tiningnan ulit ako ng masama ni ricci nung magmura ulit ako.
"oh? ikaw nga nagbago eh, kaya posible din sya" pagtatanggol naman ni juan sa kapatid.
"tss, kainis" nang gigil na sabi ko. Papaluin ko na sana yung lamesa ng hawakan ni ricci yung braso ko.
"kumakain kami arisu" seryoso nitong sabi sa akin pero di ko pa rin pinansin.
"kala mo kasi mahilig si kobe sa bad girl kaya naging bad girl ka?" tanong ni will. Di pa ba halata? Baka lang kasi magising si kobe at ako piliin.
"babalik ka na ba sa pagka maria clara? kasi yun ang gusto ni kobe" Tanong naman ni janjan. Bumuntong hininga ako bago sumagot.
"anong babalik? kahit nung maria clara ako hindi naman nya ako nagustuhan" totoo naman, kahit nung maria clara ako manamit, hindi naman nya ako napapansin hindi kagaya ngayon, kahit hindi nya ako pinapansin o kinakausap ramdam ko na tumitingin sya sa akin, baka sign na iyon para ipagpatuloy ko.
"eh pano na gagawin mo ngayon sa 'bad girl' concept mo kuno?" tanong ni jaydee kaya napangisi ako.
"kpop ka? concept concept ka pang nalalaman" asar naman ni ricci sa akin na sinamaan ko lang ng tingin.
"eh ano pa ba? edi papanindigan ko, andito na eh, bad girl na ako" oo nga naman, kung kelan may progress na kahit kapirangot atsaka ako titigil?
"minsan talaga ang lakas ng toyo mo sa ulo no?" sabi sa akin ni ricci atsaka pinitik yung noo ko.
"kumain ka na ba?" tanong nito kaya napangisi ako.
"ililibre mo ba ko?" naghahamon na tanong ko.
"ano ba gusto mo?" mas lalong lumaki yung ngiti ko.
"si kobe" kinindatan ko pa ito.
"tss, wag na nga" narinig ko naman na nagtawanan ang mga engot, mga walang ambag sa lovelife ko.
"gusto ko lang malaman, anong tingin nyo sa akin ngayon?" alam ko naman nagulat sila pero gusto ko pa din malaman opinyon nila sa akin.
"nagulat kami oo, pero anjan na yan eh, masaya ka naman sa ginagawa mo diba?" napangiti ako ng malungkot atsaka tumango. Di naman talaga ako masaya sa ginagawa ko, pero andito na to, panindigan na.
"tsaka di ka ba nilalamig sa mga sinusuot mo?" concerned pero may halong pang aasar na tanong ni juan.
"ang init init sa Pilipinas, dumagdag ka pa" naparolyo ako ng mata
"wow! ganon ba ko ka hot?" natatawang tanong ni juan, iba ata pagkakaintindi nya.
"ang ibig kong sabihin, ang init na sa bansa, dumagdag ka pang problema" inis na turan ko sa kanya.
"oh, hi baby!" sabi ko ng makaupo si kobe sa harap ko na may dalang tray ng pagkain. Inirapan lang ako nito at nagsimula ng kumain.
"di ka ba kakain?" tanong ulit ni ricci na hanggang ngayon di pa din tapos kumain.
Umiling lang ako. Ang ganda ng katawan ni Ana, dapat maganda din ang akin.
"di ka pa kumakain ah" sabat naman ni jun sa amin.
"makita ko lang na kumakain si kobe, busog na ako" pang aasar ko pa ky kobe na di man lang ako tinapunan ng pansin.
"lakas talaga ng tama mo kay kobe, kumain ka na nga, ano ba gu--"
"diet ako" ngiti ko sa kanila.
"baliw ka ba? ang payat payat mo na" pero di ko na sila pinansin at pinanood nalang si kobe na kumain.
"stop staring arisu, nakakairita ka" inis na sabi nito sa akin. May dalaw na naman siguro to. Napangiti lang ako.
"di ka ba talaga kakain? hihintayin kita" umiling ako sa sinabi ni ricci. Tapos na kasi sila kumain.
"pag ikaw nanghina mamaya arisu" banta pa sa akin.
"here" tiningnan ko yung may ari ng braso na nakalahad sa akin pero sa iba ito nakatingin. Palihim naman akong napangiti at saka tinanggap yung shawarma at bottled water na hawak nya.
"selamat" pigil kilig kong sabi dito. Tumango naman ito pero sa iba pa rin nakatingin.
"AhhHh!" napatili at napatalon talon pa ako ng makalayo kami sa iba. Iba iba kasi kami nang pupuntahan.
"kaingay naman" nagtakip ng tenga si juan at javi. Apat lang kasi kaming nahiwalay sa iba.
Di ko nalang sila pinansin baka masira lang yung araw ko.
Masaya kong kinakain yung shawarma na bigay ni kobe, umiiko ikot pa nga ako. Para akong nasa cloud nine! Alam ko naman na umaasa ako pero kung ganito kasarap umasa, dadamahin ko na.
"hoy, hindi ka ba nahihilo? wag ka ngang ikot ng ikot, nakikita na namin undershorts mo" tinuro pa ni ricci yung skirt ko gamit yung tubigan nya.
"parang tanga lang" inirapan ako ni juan. Bakit ba kasi sa amin sumama itong juan na to. Para hindi masira ang araw ko, di ko na lang papansinin ang mga bitter katulad nyang walng ambag sa mundo.
"kala ko ba diet ka? puro fats ata yang kinakain mo" takang tanong ni javi sa akin.
"at busog ka na pag nakikita mong kumakain si kobe" dagdag pa ni juan.
Naprolyo ako ng mata sa dalawa "ayaw kasi ako nagugutom ni boss kobe kaya eto" pinakita ko sa kanila yung shawarma na malpit ng maubos.
"baka itabi mo pa yung wrapper" asar ni juan atsaka tumakbo.
"Tang ina mo juan!"

BINABASA MO ANG
Favorite Crime // Kobe Paras
FanfictionShe love him too early and he love her too late.