"Naubos mo?" Natatawang tanong Jaydee. Umiling ako, hindi ko naubos, pinakain ko lang kay James at Pio yung mga di ko nakain. Buti at di sila diet kaya kinain nila. Atsaka hindi ko din gusto ang lasa nung binili ko kaya nakipag palit pa ako kay James dahil steak ang inorder nito buti at pumayag sya."Sabi na nga ba, takaw tingin lang yan si Arisu" naiiling na sinabi ni Will. Sakalin ko ito eh.
"May bagong bukas daw na club, tara" Aya ni Janjan sa amin. Sa kanila lang pala dahil ang sabi hapunan pang daw wala inom.
"Yeah, last week lang sila nag open" sagot naman ni Juan sa kanila. Updated talaga itong si Juan sa nga ganyan eh.
Dahan dahan akong tumingin kay Ricci at Kobe, busy silang nag uusap. Silang dalawa talaga ang problema ko, yung isa gusto ko at yung isa nagustuhan na ko. Feeling ko ay napapagod na ako maghabol kay Kobe. Ang hirap naman kasi nyang habulin at nakakapagod din yun. Napaka pabebe kasi ng masungit na to.
"Sama ka Arisu" Aya sa akin ni Pio kaya napatingin silang lahat sa akin. Nahiya tuloy ako bigla.
"Come on Arisu, I'll treat you again" nagningning ang mata ko sa narinig galing kay James. Si James Spencer ang hulog ng langit sa akin. Pero hindi pa rin ako sasama, kailangan ko mag aral.
"Nawiwili naman itong australiano na ito maging sugar daddy mo Arisu" natatawang banggit ni Jun. Sinamaan ko lang ito ng tingin, di pa siguro nakakatikim ng libre to.
"Sabi nyo kain lang tayo, bakit iinom?" Takang tanong ko sa kanila. "Nagkayayaan lang" wika ni Noah na syang kaharap ang phone. Sinesearch na siguro yung club na yun.
"Ano Arisu? Minsan ka lang sasama, tara na, wag na mahiya libre na nga eh" maktol ni Jaydee. Isa pa itong mapilit. Inalog alog pa ako ni Pio "sumama ka na Arisu"
"Sige na nga, pero pag sinabi ko na uuwi na ako, uuwi na ako" sabi ko sa kanila. Maganda na yung nagkakaintindihan kami sa rules and regulations ko.
"Okay, pahatid ka namin kay Kobe para bebe time" nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ni Will. Binato ko ito ng tissue, tiningnan ko si Kobe at Ricci hindi mn lang sila natawa.
"Arisu, sa amin ka sumabay" tawag ni Juan at Javi sa akin. Hinila ko si James na syang kinakapitan ng kamay ko. Kung saan ako, doon din sya. Sya ang ATM ko today.
"Jaydee, sabay kami kala Juan ha" sigaw ko sa medyo malayo na Jaydee, kasabay si Kobe. Tiningnan lang ako ni Kobe atsaka tumalikod. Sungit.
"Juan mang aagaw ka ng pasahero" sigaw ni Pio at nagtatakbo papuntang kotse ni Jaydee. Lakas talaga ng tama.
Sumakay na kami ni James likod at si Juan naman ang driver katabi ni Javi.
"I'm glad you're back on your studies na Arisu" sabi ni Javi habang sineset ang waze dahil di naman nila alam ang kinaroroonan ng club.
"How are you and Kobe?" Nagulat ako sa tanong ni James. Wala naman kami ni Kobe una sa lahat. Galing sya sa break up and siguro napansin nitong si James kung bakit di ako nagpapapansin kay Kobe. Hindi nga pala alam nitong hilaw na to.
"We're good." Nginitian ko lang sya, alam na nya siguro ang meaning nun dahil hindi na ulit nagtanong regarding Kobe.
Sila sila nalang ang nag usap dahil natulala na lang ako. Hindi ko talaga mawala sa isip ko si Ricci at Kobe. Kahit na isanb linggo ako lumayo ay sila parin ang tumatakbo sa isipan ko.
"Maghahanap lang ako ng water" paalam ko sa kanila. Nagiinuman na kasi sila, ang iingay nga nila eh.
"One water please" sambit ko sa bartender. Kanina pa talaga ako nauuhaw, ayoko naman uminom ng alak dahil pinagsisisihan ko na yung mga ginawa ko nun dahil kay Kobe.
Luminga linga muna ako sa paligid habang hinihintay ang tubig ko. "Water? Are you gonna get drunk on that?" Napatingin ako sa gilid ko at nakita ang matangkad at maputing lalaki. Halata naman na matangkad siya kahit nakaupo.
"I don't drink" nahihiyang sambit ko dito "that's new, then why are you here?" Nagtatakang tanong nya. Bakit ba ako iniinterview ng pogi na ito? At ang lakas maka english ha.
"My friends dragged me here" sagot ko sa kanya at tumango tango naman sya. Naupo ako sa tabi nya dahil pogi sya at mukang masarap naman sya kakwentuhan hehe.
"Ikaw, what brings you here?" Tanong ko pabalik. Nag straight naman sya ng upo at humarap sa akin. Siguro nasense nya na gusto ko makipag chikahan sa kanya.
"I am with my friends, but I lost them, so here I am all alone until you came" ngumiti ito sa akin kaya medyo kinilig ako. Ang pogi!
"Who's your friends baka kilala ko?" Tanong ko sa kanya habang binubuksan yung bote ng tubig. Kaso ayaw mabuksan dahil napakatigas ng pagkakatakip. Galit na galit ata ang nagtakip nito.
"Let me" nagulat nalang ako nang kunin nya yung bote ng tubig at walang kahirap hirap na binuksan "thanks!" Sabi ko atsaka ininom yung tubig ko.
"You know Thirdy from Ateneo?" Tanong nito sa akin "Ravena ba from blue eagles?" Ngumiti ito atsaka tumango "Kuya Thirdy is your friend? Are playing sa Ateneo too?" Malamang sa
malamang player ito, ang tangkad eh."Yeah, I'm a player too. I'm Dwight Ramos" pakilala nito sa akin at inilahad pa ang kamay. Tiningnan ko muna ang nito bago ko tanggapin " I'm Arisu, but you can call me mine" kinindatan ko ito kaya natawa ito ng bahagya.
"Well, mine, where are you from?" Kinilig ako ng slight sa call sign nya, di pa kami may call sign na, naunahan pa si sungit na Kobe.
"I'm from the other side of Katipunan, from U.P ako" proud na sabi ko sa kanya.
"I see. Where's your friends?" Takang tanong nito. "Pinapaalis mo na ba ako?" Malungkot na tanong ko dito. "No, no I was just asking" natatawang sambit nito. Nakakainitindi ng tagalog pero di makapag salita ng tagalog.
"Arisu, let's go. I'll drop you na sa dorm mo"

BINABASA MO ANG
Favorite Crime // Kobe Paras
FanfictionShe love him too early and he love her too late.