4

87 3 0
                                    


"Wag ka na sasama sa susunod pag nag club kami, nagalit sa amin si kobe, bakit ka daw sinama di ka naman pala sanay uminom" litanya ni ricci na syang katabi ko at nagpapahinga.

"sige, di na ko sasama sa susunod" malungkot akong tumango sa kanya. Wala nga akong maalala kagabi. Ang naaalala ko pang ay yung nagbayad ng unang ininom ko tapos wala. Naalala ko rin pala yung sinabi ni kobe ng gabing yon. Yung masungit talaga na yon alam na alam kung pano iset ang mood ko.

Di naman dapat ako dadaan dito, pero kasi yung cellphone ko ay hawak ni ricci simula pa kagabi dahil naiwan ko ito sa kanya. Ayoko sanang magtagal ang kaso itong si ricci, epal wala daw syang kadaldalan.

"so, what happened last night?" tanong ni ricci.

"wala akong masyadong maalala" ayokong magkwento dito kay ricci, madaldal pa naman ito.

"liar, I heard na he drop you off sa apartment mo, inalagaan ka pa nga" yeah, I remember that part very well.

"hindi daw nya ko gusto at di nya ko magugustuhan" mahinang sabi ko sa kanya at napayuko. Malayo naman kami sa iba kaya walang makakarinig o makakapansin sa ginagawa naming drama.

"kahit alam kong wala akong pag asa, tinulak ko pa rin yung sarili ko eh, pero iba pala talaga yun kapag sinabi na nya na ayaw nya sa akin, kakaiba yung sakit" medyo mamasa masa na yung mata ko habang nagkkwento sa kanya.

He drew circles on my back, his way of comforting me. "gustong gusto ko sya--"

"tange, tama na" medyo natatawang sabi nito. May pumatak ng luha sa mata
"hindi, ricci di mo naiintindihan. Diba sinabi ko sayo na kung ayaw nya, ipipilit natin?"

"huy, arisu gago ka wag kang umiyak" naupo na ito sa harap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"di ako umiiyak" natatawang sabi ko sa kanya.

"weird mo talaga, pero ok lang" pinahid ko na yung luha ko gamit yung likod ng palad ko.

Tiningnan ko sya na pinapanood lang ako, nginitian naman nya ako "ganda mo talaga"

~

"ano ba yang dala mo?" takang tanong nila sa hawak kong paperbag.

"ah, eto? para kay kobe" kinikilig na sabi ko sa kanila.

"patingin nga" inabot ko naman kala will yung paperbag.

"patingin ha, hindi patikim"

"may letter ka pa?" tanong ni ricci atsaka binuksan.

"poem yan engot" sagot ko dito. Naghirap ako magsulat sa tula na yon.

"Nasa 'yo na ang lahat, minamahal kita
'Pagka't nasa 'yo na ang lahat pati ang puso ko
Nasa 'yo na ang lahat, minamahal kitan--" napatigil naman si ricci sa pagbabasa.

"ikaw ba eh nakainom ng gamot? o nasobrahan ka sa gamot?" natatawang tanong ni ricci.

"kanta yan ni daniel padilla tanga" pinagtawanan naman ako ng mga hayop.

"che, akin na nga yan" inagaw ko sa kanila yung papel at paperbag.

"Pano pag may dumating na mas better kay kobe? iuunlike mo ba si kobe?" tanong ni jun habang inaayos ko yung paperbag. Mga tanungan talaga nitong mga to.

"walang mas better kay kobe para sa akin, sya na pinaka better kaya tigilan nyo kakatanong!" inis na sabi ko sa kanila. Ang dadaldal ng mga to, iniiwasan ko na ngang dumaldal para plus points kay kobe tas etong mga to dadaldalin ako kaya wala akong magawa kundi sagutin ang mga tanong nila.

Hindi ko na pinansin yung sinabi ni kobe sa akin non na di nya ako magugustuhan, mas lalo akong magpupursigi na mapa oo sya.

"pano kung ayaw talaga, ayaw ni kobe, ayaw ng tadhana at ayaw ni lord, ano gagawin mo?" nanlaki yung mata ko sa sinabi nitong si will.

"gago ka baka magka totoo, knock on woods hoy" sabi ko habang naghahanap ng makakatukan na kahoy.

Narinig ko naman na nagtawanan sila. Mga baliw, ayaw ata talaga kami ni kobe na magkatuluyan, hindi porket mga wala silang bebe eh idadamay na nila ako.

"kayo nga tigil tigilan nyo pagsasabi ng mga ganyan, baka lalong di kami magkatuluyan ni kobe" sabi ko pa habang yakap yung bag ko.

"pano pag di talaga kayo?" kulit naman ng mga to.

"kung hindi sya wag na lang, single na lang ako forever" bumalik ulit ako sa pinagkatukan ko ng kahoy. Baka maging single nga ako, mahirap na.

Sa sobrang kadaldalan nila ay di ko na napansin na dumating na pala itong si kobe. Agad akong tumayo para ibigay yung cookies na binake ko kagabi.

"uy, kobe oh" inabot ko sa kanya yung paperbag na may lamang tupperware na puro cookies.

Tiningnan nya yung paperbag atsaka nagpatuloy sa pag aayos nya ng gamit. "cookies, walang gayuma yan" sabi ko sa kanya, baka akala nilagyan ko ng gayuma.

"just put it there nalang" sabi lang nito sa akin kaya binaba ko malapit sa kanya yung paperbag. Inipit ko pa yung takas kong buhok sa tenga ko. "wag mo na ibalik yung tupperware, sayo na yan" habol ko pa.

"hoy, para kang inaasinan jan, halika na dito" rinig kong tawag nila sa akin kaya masaya akong bumalik sa kanila.

"pati tupperware binigay na"

"sumbong kita sa mama mo pinamimigay mo tupperware" pagbibiro ni ricci, e di nga nya kilala mama ko.

"wag nga kayong epal" inirapan ko sila, laht nalang pinapansin nila.

"sya dinalan mo ng snack kami hindi?" nagtatampong tanong ni noah.

"limited lang yun eh, pang kay kobe lang"

"'limited lang yung eh, pang kay kobe' my ass" pang aasar naman ni juan sa akin.

"tara na nga, idaan nalang natin sa pag ttrain yung pagccrave natin sa snack na dala ni arisu kay kobe" parinig ni ricci. Mga nang guguilt trip ata tong mga to.

"you want ba? here oh" nanlaki naman yung mata ko sa sinabi ni kobe kaya napatingin ako sa kanya na nakalahad na yung paperbag kala ricci.

Agad akong tumayo at lumapit sa kanya
"no, sayo yan, ikaw lang kakain ha, wag ka mag sshare kahit kanino" sabi ko dito kaya napa arko yung kaliwang kilay nito na parang nagtatanong.

"dont mind them, kakakain lang nila" bulong ko pa dito. Ang bango sa malapitan, sarap yakapin.

Tumalikod na ako sa kanya atsaka tiningnan ng masama sila ricci na nakangiti na parang nang aasar, mga epal talaga sa lovelife ko kahit kelan.

Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon