"Arisu, tara sama ka" aya ni Jaydee sa akin. Nakasakay ito sa kotse at nakadungaw sa bintana nito. Siya ang nasa driver's seat at sinasabayan ang bilis ng lakad ko. Kakatapos lang ng klase ko, nakakapagod itong araw na ito.Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala ako sa mood makisama sa kanila, isang linggo ko na silang di pinupuntahan o pinapansin. Simula nung nakausap ko ang magkapatid at ang break up ni Kobe sa girlfriend nito, lumayo muna ako sa kanila. Nag focus ako sa pag aaral ko dahil ang dami kong binagsak at kailangan kong bumawi dahil baka ako bumagsak sa mga subject na napabayaan ko. Lagot talaga ako sa magulang ko.
"Arisu, hoy mamansin ka. Ilang araw ka na walang paramdam, namimiss ka na ni Kobe -- aray" tiningnan ko lang ito ng masama. Nahagip ng mata ko si Kobe na syang nasa passenger seat, binatukan ata ni Kobe itong si Jaydee kaya napa aray. Sino nga ba ako para mamiss nya.
"Arisu, kakain lang naman tayo tapos uuwi na" tiningnan ko naman ang mga bandang nasa likod. Si Pio at si James. Di pa rin ako umimik at nagpatuloy sa paglalakad, sana at magasawa na sila kaka aya sa akin para matahimik na ako.
"Arisu, come on. It's been so long since we last eat" aya ni James with his thick australian accent.
"Hindi kami aalis hangga't di ka sumasakay" pilit pa din ni Jaydee sa akin. Amg kulit naman ng mga to. Inirapan ko lang sila at nagpatuloy sa paglalakad.
"I'll treat you Arisu, come on" medyo napabagal yung paglalakad ko sa sinabi ni James. Nakakatempt naman na offer yun. Napapaisip tuloy ako. Sabagay hindi ko sila nakasama o nakabonding ng ilang araw, pwede na siguro, tama na siguro ang kaartehan. Wala naman akong problema sa iba, kay Ricci at Kobe lang naman eh. Lalayo nalang ako sa kanilang dalawa para di ko sila makausap.
"Ok" maikli kong sabi at humarap sa kanila. Pinagbuksan naman agad ako ni Pio ng pinto bali nasa gitna na sya, sa magkabila kami ni James.
"Yun lang pala gusto mo marinig eh, sana kanina mo pa sinabi yon Jaydee ng di naubos yung gasolina mo" natatawang sabi ni Pio habang umaayos ng upo.
"Manahimik ka nga Pio" inirapan ko ito at ngumiti kay James. "Sabi mo yan ah, ililibre moko" sabi ko dito pero mukang di naintindihan "tabi nga dyan, tabi kami ni James " sabi ko kay Pio pero ayaw pa din umusad sa upuan ko para makaupo ako sa pwesto nya. "Ayaw mo ah" naupo ako sa hita nito ng pabagsak kaya napa aray ito " Arisu ano ba, ang bigat mo" tinulak tulak ako nito habang natatawa lang si James at Jaydee. "Usad" pinanglakihan ko ito ng mata. "Eto na" sabi nito kaya umayo ako ng bahagya para makausad sya sa pwesto ko sa tabi ng bintana.
Nang makatabi ako kay James ay nginitian ko ulit ito. Narealize ko na hindi kami masyadong nag uusap nitong si James, ewan dahil siguro sa kaka english nito, laging ubos ang baon ko, pati si David! Kay James ako tatabi mamaya since sya ang magbabayad ng kakainin ko, swerte ko naman today, dadamihan ko ang order hihi.
Si James, Pio at Jaydee lang kausapko madalas. Kinamusta lang nila ako, sinabi ko naman ang totoo na nagfocus ako sa pag aaral. Kala daw nila kung ano na nangyari sa akin pero sinabi naman ng magkapatid busy daw ako kaya siguro di na sila nagparamdam din sakin dahil gusto nila akong bigyan ng time.
Nang makarating kami sa pagkakainan namin, nakita ko na kami nalang ata ang hinihintay. Kay Pio at James ako nakakapit dahil dito ako sa kanilang dalawa tatabi.
"Welcome back Arisu, pano nyo napasama to" Asar ni Jun sa akin. Inirapan ko lang ito habnag nakakapitpa din sa dalawa.
"Buhay ka pa pala" isa pa tong si Noah, napaka mapang asar talaga. Naglakad kaming tatlo sa uupuan nila pero kulang ng isang upuan.
"Teka kulang ng one chair" sabi naman ni Javi kaya nagpakuha pa ito ng isa pa. Habang hinihintay ang upuan ay puro ako ang tinatanong nila.
"Buti naisipan mo sumama Arisu" wika ni Jun sa akin. "Libre kasi ako ni James" sabi ko dito.
"Nagmamaganda pa nga sya kanina, ayaw pa kunwari sumama, sasama din pala" asar ni Pio sa akin kaya napalo ko ito ng mahina.
"Narinig mo lang yung word na libre sumama ka na?" Natatawang sambit ni Will.
"Arisu, di naman mawawala si Pio at James sa tabi mo, bitawan mo na" pang aasar ni Janjan sa akin. Mas lalo kong hinigpitan ang kapit sa dalawa, baka agawin pa nila mga seatmates ko.
"Kanina pa yan nakakapit jan" sabi ni Jaydee habang hawak ang baso ng tubig. Katabi nito ni Ricci at si Kobe. Nag iwas ako ng tingin ng magtama ang mga tingin namin.
"Namiss lang kami nito" sabi ni Pio at lalong sumiksik sa akin. Itinulak ko ito at kay James mas lalong kumapit, narinig ko naman sila na nagtawanan.
Nang dumating ang upuan ay agad kaming naupo at inabutan ng menu. Dahil libre naman ni James, itinuro ko lahat ng gusto kong kainin.
Nagkwentuhan lang naman kami habang hinihintay ang pagkain. Mabuti at di ganon ka awkward dahil hindi nakikisali si Ricci at Kobe sa usapan namin dahilmay sarili itong usapan kasama sila Juan.
"Huling hapunan mo na ba Arisu" natatawang komento ni Noah dahil sa dami nang ibinababa sa akin na pagkain.
"Sinusulit ko lang yung libre, minsan lang kaya ako ilibre" nakangiti kong sabi atsaka kumuindat kay James. Nagulat siguro ito sa dami nang kakainin ko. Wala naman kaso sa kanya ang bill pero hindi nya siguro inakalala na ganto kadami ang kaya kong pagkasyahin sa tiyan ko.
"Are you sure you can eat all that?" Takang tanong ni James sa akin habang nakatingin sa nakalapag na order ko.
"Off course, you're doubting?" Natatawang tanong ko. Huwag nya akong hamunin!
" I just don't want you wasting food" paliwanag nito
"Trust me, kaya ko. Kakayanin ko"

BINABASA MO ANG
Favorite Crime // Kobe Paras
FanfictionShe love him too early and he love her too late.