1

297 5 0
                                    


"huy, jaydee" tawag ko sa lalaking pinakamalapit sa akin.

Hindi ata ako narinig kaya di pa ako nililingon. "PSSST!" medyo kalakasang tawag ko dito.

Napatingin naman na ito at napangiti. Lumapit ito sa akin "anong ginagawa mo dito?" eto namang lalaking to parang di pa ko kabisado.

"anjan si kobe?" tanong ko atsaka tiningnan yung mga teammates nitong nagttraining.

"sabi na nga ba e" napakamot itong ng ulo atsaka ako iniwan.

"huy" agad naman akong sumunod sa kanya.

"hoy lady gagita bakit ka na naman nandito? ha?" tanong ni will kaya lahat sila ay napatingin sa akin. Maliban sa isa.

Ngumiti ako ng alanganin. "w-wala, binibisita lang kayo" sabi ko at tiningnan yung nag iisang di nakatingin sa akin.

Alam mo arisu, kaya ka di tiningnan nyan kasi busy sya sa pag ttrain o kaya di nya alam na nandito ka. Pangungumbinsi ko sa sarili ko.

"weh, kobe andito na manliligaw mo" sigaw ni jun kaya mas lalong lumaki yung ngiti ko.

Tiningnan naman nya ako kaya nagwave ako sa kanya pero ang masungit na kobe inirapan lang ako.

"hayaan mo na yan arisu, nagpapakipot lang yan sayo" akbay naman sa akin ni ricci.

Oo tama, nagpapakipot lang yan sa akin.

Nakita kong naglakad ito papunta sa inumin kaya agad akong lumapit sa kanya inilabas yung gatorade na dala ko sa bag.

"eto oh" abot ko sa kanya pero tiningnan nya lang yung gatorade na hawak ko.

"we have a lot of that here" sabi nito atsaka ako iniwan habang nalakahad pa di  ang kamay sa ere.

Ayos lang yan arisu, sanay ka naman na nirereject ng masungit pero pogi na yan, hmmp.

"thank you" sabi naman nung umagaw ng gatorade na hawak ko.

"h-huy teka, di sayo yan" sabi ko dito pero iniinom na nya kaya no choice ako kundi hayaan na lang sya.

"superjuan in the house" sigaw ni david na syang malapit lang sa amin.

Sanay na lahat ng teammates ni kobe sa akin. Pano ba naman halos araw araw kong nililigawan at araw araw din akong binabasted at pinaphiya.

Habang busy sila sa pag ttraining, heto ako at busy din sa pag rereview. May quiz kasi kami bukas, hindi porket naka duty ako sa panliligaw ngayon ay di na ako mag aaral.

Kadalasan hinintay ko silang matapos atsaka ako uuwi, minsan naman kapag marami talaga akong dapat tapusin na school works ay sisilip lang ako dito para lang makita si kobe atsaka na ako aalis. Di talaga buo araw ko kapag di ko nakikita ang isang yon.

"huy,nakabisado mo na ata lahat ng nasa notebook mo" natatawang sabi ni janjan habang inaayos nya yung bag na nasa tabi ko.

"hindi ako maganda, kaya dapat mataas grades ko" paliwanag ko dito. Mas lalo itong natawa na kaya nagtaka ako.

"sumasang ayon ka ba na panget ako?" tanong ko dito.

"oo, baket" sabi ni ricci, nakikisali di naman sya kasali.

"tss" inirapan ko silang dalawa atsaka nagligpit na ng gamit ko. Narinig ko naman na nagtawanan sila.

"arisu tara, eat with us" yaya sa akin ni noah na kasabay na yung ibang players.

"sasama ba si kobe?" maligayang tanong ko sa kanila.

Hinintay muna nila akong makalapit sa kanila bago sila nagsalita.

"oo, nauna na yon don" tiningnan ko muna yung paligid, oo nga wala na, iniwan ako. Di ko manlang napansin na umalis.

"eto, eto atsaka eto ay pati narin itong halo halo" sabi ko atsaka ibinigay yung menu sa iba na di pa nakakapili.

"ang dami ko namang inorder, san mo ba dinadala yang mga kinakain mo?" tanong ni ricci na syang katabi ko.

Bakit ba nangingielam tong si ricci, ako naman magbabayad.

"ikaw nga di ko tinanong kung bakit konti lang order mo" irap ko sa kanya.

"ikaw talaga ang bilis mo mapikon no" sabi nito atsaka kinurot yung ilong ko ng sobrang diin.

"masakit" palo ko sa kamay nya.

Natawa naman ito "kaya lagi kang basted kay kobe eh, napakatakaw mo, napakadaldal mo at napakapikunin mo"

Tiningnan ko si kobe na kaharap ko, busy ito sa cellphone.

"payag ka non arisu, sinumbat sayo yung mga bagay na ayaw ni kobe" tiningnan ko si jun na nagsalita.

"walang sinabi si kobe na ayaw nya yung mga yon sa isang babae, kaya ligtas ako" pagmamalaki ko sa kanila.

Tiningnan ko si kobe na seryosong nakatingin sa akin, kinindatan ko ito kaya kumunot ang noo nito. Ayaw talaga tablan ang isang to ng charms ko.

"but still" mahina pero rinig kong sabi ni kobe.

"a-ayaw mo ba sa mga ganon?" natahimik yung lamesang kinauupuan namin.

Hindi na muli ito nagsalita kaya tumahimik na lang ako habang hinihintay yung pagkain, bumalik naman yung lamesa namin sa ingay.

Di ko maintindihan kasi naman 'but still' lang sinabi nya. Ayaw nya ba talaga sa babaeng madaldal, malakas kumain at pikunin? Di naman ako pikunin, sinabit lang ni ricci yon para madagdagan yung mga 'ayaw' ni kobe sa babae, pero syempre di ako pikunin kaya nabawasan ng isa yung mga ayaw nya sa akin.

"hay, nakakawalang gana" bulong ko sa sarili ko.

"ha? nawalan ka pa ng gana sa lagay na yan, kulang na lang kainin mo yung baso" kung di lang talaga ako tinutulungan na manligaw kay kobe nito, matagal ko ng binura sa mundong ibabaw si ricci.

"wag ka nga, pag sinabi kong nawalan ako ng gana, nawalan ako ng gana" inirapan lang ako nito atsaka nakipagdaldalan na muli.

"teka mag ccr lang ako" paalam ko na di naman na nila napansin dahil napakadaldal nila, lalo na si ricci. Madaldal daw ako pero mas madaldal sya sakin.

Pag atras ko ng upuan ay biglang nakaramdam ako ng lamig sa likuran ko kaya napatigil ako.

"sorry ma'am" sabi nung waiter na nakatapon ng malamig na bagay sa likod ko. Di naman ako makapag salita dahil sa gulat.

"bakit naman kasi di kayo nag iingat" sabi ni ricci habang pinupunasan yung likid gamit yung towel nya.

"pasensya na po, di ko po kasi alam na tatayo kayo" paliwanag nung waiter.

Yakap yakap ko yung sarili ko nung lumabas ako ng cr. Nasa labas si ricci at james, hinihintay ako matapos. Pinahiram ako ni james nung extra jersey nya dahil buong likod ng damit ko ay basa, kaya no choice ako kundi isuot tong napakalaki nyang jersey. Kita nga yung bra ko sa kili kili na part kaya nakaipit sa kamay ko yung magkabilaan na arm hole.

"ano? di na sticky?" tanong ni james. Umling ako. Ang malas ko naman ngayong araw.

Lumabas na kami at nakitang nag aabang sila don.

"ano? ok na?" tanong ni noah ng makita kaming tatlo na naglalakad papunta sa kanila. Tumango naman kami.

"here oh" inabutan ako ni juan ng jacket.

"wag na" balik ko sa kanya nung jacket na hawak nya.

"just take it" wala na akong nagawa nung ipatong na nya sa balikat ko yung jacket, nagpasalamat na lang ako sa kanya.

"oh, bakit mo tinanggal yung jacket mo?" rinig namin na tanong pio kay kobe.

"mainit" sabi nito at nauna na.

Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon