14

71 4 0
                                        



"kanina ka pa dutdot ng dutdot sa cellphone mo. Kulit mo talaga no? Di nga mag rereply sayo yan" naparolyo ako ng mata sa sinabi ni Jun.


Dalawang linggo makalipas kong simulan na kulitin si kobe sa text. At sa dalawang linngong yun ay walang pagbabago until kanina nung itext nya ako. Gusto ko lang talaga syang magreply sa akin para mai paframe ko yung fist conversation namin through text. Iyon lang dapat pero mas lalo akong ginanahan sa pangungulit sa kanya nung magreply sya. 


"kakareply nga lang eh" nilapit ko sa muka nya yung cellphone na hawak ko.


"really? ano sabi?" chismosong utas ni Juan na hinablot yung cellphone na hawak ko.


I smile proudly dahil sa wakas nagreply na rin ito sa mga texts ko. Kaso nga lang..


" 'Stop texting me Arisu' " mabagal na basa ni Juan sa text. Pogi typings si Kobe hihi, naka jackpot ako.


"Dito lang kinilig ka na? At ang masama pa kinilig ka sa sinabi nya na tigilan mo na kakatext sa kanya" Kunwaring disappointed na sabi ni Noah.


"Atlaest nagreply diba?" matagumpay na ngumiti ulit ako. May progress kami ni kobe.


'Atsaka pinapatigil nya lang ako sa pagtetext sa kanya pero hindi sa buhay nya yiee" kinikilig na sabi ko habang pinapalo si Javi na nananahimik sa tabi ko.


"aray" mahinang sabi nito pero di ko ito pinansin.


"Tss laki talaga ng toyo mo sa ulo" naiiling na sabi ni diego. 


"eh bakit sa amin pag tinetext ka namin ng 'kumain ka na ba?' di ka kinikilig?" malungkot na tanong ni Pio sa akin. paka drama talaga.


"di pa nga kamo nagrereply, isiseen ka lang" gatong pa ni noah sa sinabi ni Pio.


Magsasalita na sana ako ng magsalita si Ricci " si kobe ba kayo?"


"oo nga naman, are we kobe?" dagdag pa ni Juan.


Napapansin ko na laging tahimik si Ricci nowadays. Sumama sama sya sa amin pero di na ganoong kadaldal o di na sya ganoong nang aasar. Dati naman nangunguna pa ito sa pang iinis pero ngayon wala na syang kibo, pero nagsasalita naman ito kapag gusto lang nya. At isa pa, napansin ko na hindi na sila masyadong nag uusap ni Kobe sa labas ng court. Nag uusap sila pero kapag naglalaro lang sila ng basketball. Iniisip ko tuloy kung may nangyari ba sa kanilang dalawa. Hindi pa ba sila nagbabati? Dalawang linggo na, wala naman nababanggit sa amin yung dalawa.


Natatakot naman akong magtanong baka isipin na nangingielam ako sa away nila kung meron man. Etong mga kasama ko pinipilit nila na hindi lang daw sila kasing daldal ko kaya ganon, mga tanga talaga.


"pano kay kobe lang naman umiikot yung mundo nyan" sinamaan ko ng tingin si Noah. Di lang kay kobe umiikot ang mundo ko, pero inaamin ko na 70% ay kobe nga umiikot ang mundo ko hehe.


"bakit nga pala hindi sumabay sa inyo si kobe?" pag iiba ko ng usapan baka ipoint out na naman nila obsession ko kay kobe. Oo medyo may pagka obsessed ako pero hindi naman nakakasama kay kobe yung pagkaobsessed ko. Pero sa akin nakakasama yung obsession ko.


"syempre you're here eh, bakit sya sasabay?" sagot ni juan sa tanong ko. Kahit walang kwenta yung sagot ni Juan, may point din sya. Bakit nga ba sasabay yun eh nandito ako? Atsaka iniiwasan nga ako nun. Malamang sa malamang kasama non si James, David at yung girlfriend non tss.


Imbis na banatan si Juan ay inirapan ko nalang ito dahil wala namang magandang dulot yan sa araw ko.


"wala ka bang balak kainin to? akin nalang" sabi ni will habang kinukuha yung ulam ko. Di ko naman ginalaw yung pagkain ko dahil nga diet ako hanggang ngayon. Yung babae kasi na yon eh, pag nakikita ko mas lalo akong na iinsecure sa katawan ko.


"'Cci sama ko sayo mamaya ah" nakangiting sabi ko kay ricci na tahimik na kumakain.


"diba you have classes pa mamaya?" huminga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Juan. Epal talaga, balak ko ngang mag cutting eh.


"you have classes pala eh, bakit ka sasama?"takang tanong ni Pio. 


"Tanga talaga, halata namang magccutting yan" bunatukan ni Noah si Pio na ngayon ay nagkakamot na ng ulo.


"maka tanga naman to" mahinang bulong ni Pio.


"Ako nalang isama mo Ricci, I don't have any class na after this"  pamimilit ni Juan sa katabi nyang si Ricci. Pero si Ricci ay tahimik lang na kumakain. Nakakapanibago talaga si Ricci, kala ko ako lang ang nagbago, pati rin pala sya. Iniisip ko tuloy kung bad influence ako sa mga kasama ko.


"walang sasama, I can go naman on my own" sagot ni Ricci na di man lang kami tinitingnan.


"whatever" sagot nalang ni Juan na bumalik na sa pagkain. Pinagmasdan ko pa si Ricci hanggang sa nag angat ng tingin ito para tingnan ako. Agad naman ako nag iwas ng tingin. Bakit ba ako natatakot na mahuli ni Ricci kung nakatingin man ako sa kanya?


"oh they're here na pala eh" turo ni Noah kaya napatingin na rin ako sa tinuturo nito.


Kala ko ba di sasabay yang mga yan? Agad akong napaiwas ng tingin ng makitang masama ang tingin sa akin nung palakang nakakapit sa braso ni Kobe.


"kala ko ba hindi sasabay kumain si kobe sa atin" inis na bulong ko kay Javi na dinamdam pa ata yung palo ko sa braso nya.


"Juan is just teasing you Arisu" sagot ni Javi na nagcecell phone. Tiningnan ko ng masama si Juan pero inismiran lang ako. Kainis talaga.


Agad kong inayos yung sarili ko habang di pa sila nakakalapit. Kailangan maganda ako dahil nagsisimula na naman sumipa yung insecurities ko sa katawan dahil sa babae na yon.


"anong ginagawa mo?" mahinang tanong ni will na syang kaharap ko.


"automatic na yon Will, anjan si kobe kaya malamang nag aayos" sagot ni jun na katabi ni will.


Nang makaupo sa mga bakanteng upuan yan sinilip ko sila pero nahuli ako ng mata ni Ana kaya nagkunwaring kumakain ako kahit na walang ulam. Kainis kasi eh kinuha ni will yung ulam ko kaya kanin lang yung kinakain ko ngayon.


Narinig kong natawa si Juan kaya napaangat ako ng tingin at nakitang halos lahat sila ay nakatingin sa akin na kumakain lang ng kanin. Nakakahiya "here oh, hindi ko pa nagagalaw yan" naka ismir na sabi ni Juan habang inaabot sa akin yung ulam. Lakas talag mang asar ng isang to. Nahihiya ko tuloy kinuha yung ulam.



Favorite Crime // Kobe ParasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon