Chapter 1 - Just a Serious Gaze

2.9K 116 5
                                    

D A R W I N

x

After 10 years, babalik na sila dito sa probinsya.

Makikita ko na ulit si Master.

Pero, alam kong maraming mga pagbabago ang magaganap. Lalo na at maraming taon na ang lumipas. Siguro ang tangkad na ngayon ni Master, baka din nagbago na ugali nya. Kamusta na kaya sya? Naaalala pa ba nya ako? Miss na kita Master Andrei.

Sa tagal ng pagiisip ko ay nakalimutan kong kaharap ko pala si lola. May mga sinasabi sya ngunit parang may sariling mundo lang ako at ako hindi nakikinig sa kanyang mga sinasabi.

"Apo..... Darwin, e kanina pa ako nagsasalita dito pero parang may sarili kang mundo dyan, ikaw ba ay excited dahil sa wakas ay babalik na ulit dito sa mansion ang iyong kababata? Alam kong taon taon mo syang hinihintay". Pagputol ni lola sa pagiisip ko.

"Naku si lola talaga, panong hindi po ako magiging excited, e sa tagal ng panahon e ngayon lang ulit sila magbabakasyon dito. Biruin mo lola after 10 years they're back! Kaso baka marami nang magbago, e sa tagal ba naman nilang hindi bumisita dito". Masaya ngunit napalitan agad ng lungkot ang aking sinabi.

"Naku, natural lang yan apo lahat tayo ay nagbabago, pero malay mo naman hindi parin magbago ang pagkakaibigan nyo, saka sigurado naman akong naaalala ka parin ni Andrei... Kaya apo, uutusan sana kitang mamalengke dahil bukas na bukas din ay nandito na sila, magluluto ako ng mga paborito nilang pagkain". Masiglang sagot ni Lola.

Kaya ayun, gaya ng sabi ni lola, nagpunta ako sa palengke para bumili ng mga sangkap, gulay, karne at kung anu-ano pa na kakailanganin sa pagluluto. Sobrang dami kong kailangang bilhin, parang may magahanap lang na Fiesta e.

Well, sabagay sa tagal ng panahon ay ngayon lang sila ulit makakabalik dito sa probinsya kaya kailangang paghandaan.

Habang busy ako sa paghahanap ng mga sangkap na nakalista sa papel ay hindi inaasahang may mabangga akong tao.....

"Arayyy!!! Sino bang tatanga-tanga ang hindi tumitingin sa dinadaanan nya!!!". She sound so pissed. Nakatalikod sya at ganun pa man, kilalang kilala ko na kung sino tong nabangga ko.

Binabawi ko na pala yung sinabi kong nakabangga ako ng tao, kasi mali yun, nakabangga ako ng isang demonyo ganun. Joke!

Sya si Sai Molina, ang kaklase kong walang ibang ginawa kunwi ang bwisitin ang araw ko. She used to be my friend pero nagbago yun nung nalamangan ko sya sa academics. Consistent 2nd honor kasi sya mula grade 7 to 11 not until grade 12, dahil nga nalamangan ko sya.

Well, hindi naman ako matalino, aminado naman ako dun, sadyang masipag lang ako. Samantalang si Sai naman ay walang dudang matalino talaga sya kaso nung tumungtong na kaming grade 12 ay napabarkada sya at naimpluwensyahan ng kanyang nobyo kaya naapektuhan ang kanyang grades. Balik tayo sa present...

Humarap sya sakin na nakataas ang kilay.

"Anong ginagawa ng isang sipsip at mangaagaw sa palengke?". Tanong nyang may halong pang-iinsulto.

"Sai, pwede ba wala akong panahon para makipagsagutan sayo, pasensya na at nabangga kita nagmamadali kasi ako e, at saka di kita napansin dahil marami akong mga dala, eto oh". Sagot ko sabay pinakita yung mga pinamili ko. "Ikaw naman kasi nakaharang ka kasi sa daanan.. pasensya na ulit". Dugtong ko.

"So ano? Kasalanan ko pa? Ganun ba yun? E bastos ka pala e". Hindi na nya napigilan ang sarili nya. Aatakihin na sana nya ako nang maagap akong nakailag.

Kaya ang ending sumubsob sya sa table na pinaglalagyan ng mga isda.

And for some reason, natuwa ako sa nakita ko. Mabuti nga sa kanya. Well, after all ng mga pambubully ay pamamahiya nya sakin sa school, kulang pa nga yun e. Ayoko naman syang patulan dahil ayun ang turo ni lola sakin kaya hinihintay ko nalang talaga ang mga ganitong karma sa kanya.

With My Childhood Friend (bxb)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon