D A R W I N
x
After two days, bumalik na ulit sa normal ang paglakad ko, thank God! Swerte ding walang klase nung araw na paika-ika akong lumakad kundi baka magtaka mga kaklase ko pag mapansin nila yun kung nagkataon, lalong-lalo na yung mga kiss marks sa leeg ko. Good thing agad din yung nawala.At most especially, hindi yun napansin ni Tita Siesta. Maybe because she's too busy with their business.
Bumalik na din sa normal ang panahon, maaliwalas na ulit at mainit.
Habang si Andrei naman ay mas lalo pang naging clingy sakin. Nakapag-usap na din kami na huwag na kaming magkailangan at magkahiyaan dahil sa nangyare samin last two days. May katwiran naman sya kung tutuusin. Ayoko din na lagi nalang kaming awkward sa isa't-isa. Nangyare na yun e, so wala na kaming magagawa dun.
In short we're okay now. Binalewala ko na lang yung mga sinabi ni Kelly sakin na ganun din naman ang gusto ni Andrei. May tiwala ako sa kanya, kaya paniniwalaan ko sya.
Anyway, andito ako ngayon sa sala while reading my pocket book dahil it's Sunday at wala kaming masyadong ginagawa. At ang magaling na Andrei naman ay nanenekwatro pang nakaupo habang may nilalaro sa cellphone nya.
Ilang beses ko na din syang napanlakihan ng mata dahil ang ingay nya, hindi ako makapagfocus sa pagbabasa.
Speaking of cellphone, nasira na talaga ng tuluyan ang binigay nyang cellphone sakin. Medyo na guilty pa ko dahil sobrang maayos pa kasi ang cellphone na yun tas sinira ko lang. But he said na ibibili nya ako ng bago. Of course tinanggihan ko yun kasi nakakahiya. But he insisted, naghanap pa sya ng kakampi at ipinaalam yun kay tita kaya wala nalang akong nagawa kundi ang umoo.
"My Darwin, tara tulog tayo sa kwarto mo". He said pouting nang matapos na sya sa kanyang paglalaro. Tiningnan ko sya ng masama.
"Tigilan mo nga ko Andrei! Kung gusto mong matulog, edi matulog ka mag-isa mo!"
"Kahit kailan talaga napakasungit ng Darwing kong to. Mas lalo tuloy akong nanggigigil sayo e parang..... parang gusto ko ulit ulitin yung nangyare satin last two days". He said raising his eyebrows at may ngiting nakakaloko.
Binato ko sya ng unan, bwisit na lalaking to napaka manyak!
"Ganyan!!! Palibhasa di mo alam kung gaano kasakit sa pwe---". Di ko na pinagpatuloy ang sasabihin ko dahil ang awkward. I know we already talk about that, pero di ko parin talaga maiwasang ma awkward pag ganun ang usapan hayss!
Then he chuckled.
"Okay po, kain nalang tayo my Darwin"
"Hindi ako nagugutom, kumain ka mag-isa". Sagot ko at bigla syang napakamot sa batok nya.
Bahalasyadyan! Nagbabasa akong mabuti dito ayokong maistorbo.
Maya-maya pa ay bigla nalang kami nakarinig ng kotseng bumusina sa labas ng bahay at parang kakarating lang. Kaya pareho kaming nag abang sa pinto ni Andrei baka si tita Siesta yun.
Nakakapagtaka lang dahil ang aga nya ata umuwi. Kadalasan kasi gabing gabi na sya kung umuwi.
Di nga ko nagkamali dahil si tita nga yun na nakangiting nakatingin samin ni Andrei.
"Oh, boys! I have a surprise for you both!!".
Then i saw a familiar person na lumabas sa kotse. The very important person that i really love and i really miss..... My Lola Esper.
Para akong wala sa sariling bigla nalang naluha at tumakbo papalapit sa kanya na parang bata. Haayss i just can't control myself..... I really miss my lola. I gave her a tight hug.
BINABASA MO ANG
With My Childhood Friend (bxb)
RomantikAfter 10 years of being away from each other, finally Darwin will be reunited again with his childhood friend, Andrei. Malalaman din ni Darwin na he will be in the same school with Andrei. Sa tagal na taong hindi nila pagkikita, marami kayang magbab...