Dear readers:
You might experience some grammatical errors and typos while reading every chapter/s, please be understandable, because I'm not that good in english, and I'm not perfect, everyone is. And please activate your common sense to the highest level char hahaha.
And one thing pa is that baguhan palang ako sa pagsusulat ng kwento sa wattpad, this will be my first story ever. However, i will do my best to give you a good story that is worth reading for charr haha.
[ WARNING: THIS IS A BOY'S LOVE THEMED STORY, IF YOU'RE HOMOPHOBIC AND NOT AN ALLY OR A PART OF THE LGBTQ THEN THIS IS NOT FOR YOU. READ YOUR OWN RISK ]
- - - -
x
Tagu-taguan maliwanag ang buwan. Pagbilang kong sampu nakatago kana,
Isa....
Lagi nalang pag maglalaro tayo kailangan ako ang taya. Pano ba naman, Master ka e. Kaya gusto mo na lagi kang masusunod at gusto mo din na tawagin kitang Master.
Dalawa....
Ang galing mo panaman magtago, ang hirap mong hanapin. Pag naman mahanap ka nangdadaya pa.
Tatlo....
Pero ayos lang, at least may nakakalaro ako. Wala kasi akong kaibigan bukod sayo.
Apat....
Kaso nga lang minsan lang din tayo nagkikita. Tuwing bakasyon lang.
Lima...
Lagi akong naninibago pag bumibisita kayo dito. Ang aastig kasi ng mga suot mong damit. Siguro ganun yung uso sa syudad.
Anim...
Kahit ngayon, maglalaro lang naman tayo ng tagu-taguan bihis na bihis ka na para bang may lakad.
Pito....
Sana ay dito nalang kayo tumira para lagi akong may kalaro, at syempre para may kaibigan akong lagi kong makakasama.
Walo....
Pero hindi pwede, sabi mo nga, may negosyo kayo sa syudad kaya kada bakasyon lang kayo nakakabisita dito.
Siyam....
Saka sabi mo din na, may kaibigan ka din dun na naghihintay sayo. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay medyo may inggit akong nararamdaman. Curious akong malaman kung sino yung kaibigang tinutukoy mo.
Sampu....
Gusto ko, ako lang yung kalaro at kaibigan mo.
Muli kong minulat ang aking mga mata at tiningnan ang paligid. Medyo lumabo paningin ko dahil sa matagal na pagkakatakip ng aking kamay sa mga mata ko.
Paniguradong mahihirapan nanaman akong hanapin ka.
Ikaw na nga siguro ang pinaka magaling sa taguan.
Lumipas ang ilang mga minuto, hindi parin kita nahahanap. Hanggang sa umabot na ng oras.
Isang oras....
Dalawang oras....
Tatlong oras....
Apat na oras....
Hanggang sa kumulimlim ang kalangitan, na parang nagbabadya ng pag-ulan.
Di parin kita nahahanap.
Dun ko naisipang umuwi nalang sa mansion dahil baka nakauwi kana din. Parehong bahay lang naman ang inuuwian natin dahil apo ako ng katulong nyo.
Baka nagaalala narin si lola sakin kaya kailangan ko nang umuwi. Pagkauwi ko sa mansion nagtaka ako dahil bukod sa tahimik, wala na din dun ang mga kotse. Dali dali akong pumasok sa loob at dun sinalubong ako ng lola ko nang puno ng pagaalala.
"Juskong bata ka, san ka ba nagsususot?". Pagaalala sakin ng lola ko.
"E lola, naglaro lang naman kami ni Master, kaso..... Di ko sya mahanap baka nakauwi na dito". Sabi ko.
Niyakap nalang ako ni lola.
"Hay nakong bata ka hindi ba nya nasabi sayo? biglaan kasi ang pag alis nila apo, umuwi na sila sa maynila kahapon ko lang din nalaman na aalis na sila e kaso di ko na naikwento sayo dahil maraming gawain dito sa mansion".
Nagulat ako sa sinabi ni lola. Bakit ganun? Ang daya naman nya, bat di nya sinabi sakin? Kaya pala bihis na bihis sya kasi aalis na sila.
Di ko namalayan na tumutulo na pala luha ko. Hindi ko maiwasang hindi umiyak. Dati naman pag aalis sila sinasabi nya sakin.
"Tahan na apo, may mga pangyayare talaga sa buhay natin na hindi natin inaasahan, at saka sa susunod na bakasyon naman siguro uuwi sila kaya wag kanang malungkot dyan". Pagpapakalma sakin ng lola ko.
Tama. Uuwi din naman sila sa susunod na taon kaya ayos lang to para namang hindi ako sanay mag-isa. Maghihintay nalang ako sa susunod na bakasyon.
Lumipas ang isang taon, ngunit hindi sila umuwi.
Dalawang taon, ngunit wala parin.
Tatlong taon, hanggang sa maging isang dekada... hindi parin sila bumalik.
Nakakapagtampo. Siguro ay ayaw na akong maging kaibigan ni Master. Kung ayaw nya, edi ayaw ko na din. Hindi na ako aasa na babalik pa sila.
Aasikasuhin ko nalang ang pagaaral ko sa college.
Isang araw nagising nalang ako sa isang pagkatok sa kwarto ko. Si lola may dalang balita.
Uuwi daw sila ngayong bakasyon
UUWI DAW SILA....
U U W I D A W S I L A ! ! !
good boy
BINABASA MO ANG
With My Childhood Friend (bxb)
Roman d'amourAfter 10 years of being away from each other, finally Darwin will be reunited again with his childhood friend, Andrei. Malalaman din ni Darwin na he will be in the same school with Andrei. Sa tagal na taong hindi nila pagkikita, marami kayang magbab...